Advertisers
Usong-uso ngayon ang mga hindi totoo tao. Matatagpuan sila sa lahat ng larangan. Siyempre nagkalat yan sa pulitika.
Nguni’t pati sa sports in general o basketball in particular. Kaya dapat maging mapanuri tayo upang hindi mabola.
Moda na rin ang pekeng balita. Dati mga mapgkunwari lang ang nakakalusot sa pangloloko.
Kaso ngayon dahil sa social media ang dami na rin fake news at impormasyon. Dahil walang pananagutan sa mga sponsor o anumang gov’t agency ang mga individual sa Facebook o Twitter o Tiktok ay sige lang sila ng sige
Ang lakas talaga ng impluwesya nila.
May iba ibinabahaging mga kasinungalingan ay outright lies o half truth. Hindi nag-veverify sa source o sa iba pang credible na pagkukunan ng info.
Ang masama ay iyong mga taong sinsadya na lumikha o mag-share ng mali. Pwedeng may bias sila o may bayad sila.
Kawawa ang mga biktima- yung subject at mga taong naniniwala.
Ang hirap naman magsamoa ng cyberlibel sa mga halang ang kaluluwang ito dahil hindi makiki-cooperate ang FB.
Mismo tayo walang naging resulta ang dinulog natin sa NBi sanhi na ang tao na nag-spread ng malisyosong ulat ay hindi matagpuan. Fake na personalidad kasi.
Ngayon sa sports circle marami rin mga report na walang basehan. Walang katiting na truth.
Nag-aaway-away mga nasa daigdig ng palakasan dahil sa mga tsismis na pinalaki sa likha ni Mark Z.
Kaya tayo kung hindi napanood sa telebisyon, narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan ay pinalalampas lang natin.
Kung may pagkakataon ma-confirm sa mga involved ay saka ninyo lang matutunghayan sa pitak na ito.
Binibigyan din natin makuha ang kabilang panig.
Yung opinyon naman natin may pinagbasehang facts.
Halimbawa ang isyu ng mga taga San Miguel Corp na mga empleyado na may regular na Pink Wednesday tuwing oras ng kanilang tanghalian. Dalawang tao muna ating hiningan ng pahayag nago natin inilibas. Yan malaking kaibahan natin sa iba.Tapos saka tayo nagdagdag ng kuro-kuro.
Ang ilan hindi naman lahat ay derecho sa laptop o cellphone kahit walang verification. Patay kang bata ka!
***
Parami na nang parami mga sumasailalim sa health at safety protocol ng NBA. Una mga taga Chicago. Ngayon pati LA Lakers.
Naku doble ingat at baka muling mahigpit. Sana dito sa atin sa PBA wala naman ganyan.
Maigi ang mababa na sa atin eh. Careful, careful, careful!
***
Ingats na sa COVID, ingats pa rin sa pekeng tao at baita. Dasal-dasal din kahit saan at kailan upang makaiwas sa ano mang uri ng virus- yung nakikita man o hindi.