Advertisers

Advertisers

Silver Play And Gold Play Button Sa YT Channel, Handog Nina Mommy Pinty At Daddy Bonoy Sa Kanilang Mga Ka-Maintenance

0 260

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

RECENTLY lang ay parehong excited ang mabait at sweet couple na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga sa kanilang “unboxing” sa tinanggap nilang Silver Play Button. Ito ay para sa nauna nilang 100K subscribers at Gold Play Button na nakuha naman nila dahil sa more than 1 million subscribers in just 2 months sa kanilang Youtube channel na Bonoy & Pinty Gonzaga. Humahamig din ng milyun-milyong views ang kanilang Vlog.

At ang tinanggap na award sa Youtube ay handog nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa kanilang mga Ka-maintenance na always na pinanonood ang kanilang Vlog na very interesting at nakakaaliw panoorin.



Basta ang laging bilin nila Mommy Pinty ay huwag kalilimutang inumin ang maintenance na gamot para mapangalagaan ang kalusugan. Samantala, ‘yung unang sweldo ng Gonzaga couple sa Youtube, part nito ay kanilang ipinamahagi sa mga ka-maintenance para i-pambili sa iniinom o mine-maintain na gamot. Yes, matagal ng nagkakawanggawa sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na nagsilbi ng tatlong term noon bilang Vice Mayor ng Taytay, Rizal. Kumbaga ay ipi-nagpapatuloy lang nila ito ngayon. Gusto pa lang imbitahan ni Mommy Pinty ang lahat na sana ay panoorin  ang The Exorsis sa Dec. 25 na pinagbibidahan ng mga daughter na sina Alex at Toni Gonzaga. Very entertaining ang horror-comedy movie na ito na kasali sa Metro Manila Film Festival 2021 kaya hinuhulaan itong magiging isa sa top-grosser.

***

Direk Reyno Oposa, Nasa 11K Na Ang Subscribers Sa YT

Imagine, nagsimula lang sa 3 subscribers ang official Youtube Channel ni Direk Reyno Oposa. Ngayon ay nasa 11K and road to 12K na si Direk Reyno. Ilan sa mga popular video uploads nito ay ang full movie ng “Silab” na dinirek at sinulat produced ni Oposa under his independent movie outfit Ros Film Production.

Sa ngayon ay umani na ng mahigit half a million views ang Silab at still counting ito. Ilan pa ay ang Inspirado with 303K views, at ang Taras full movie na 81K views at pinagbibidahan ito ng anak ni Rosanna Roces na si Dennis Cruz, na parte na ngayon ng “FPJ’s ANG PROBINSYANO” ni Coco Martin. Marami rin ang nanonood sa Live Stream ni Direk Reyno, na ipinapakita niya ang buhay sa Ontario, Toronto Canada. Na tinitiis ng mga Kababayan natin ang ginagawa kumita lang ng pera, para maipadala sa kanilang pamilya dito sa Pinas. Congratulations on your 11K subscribers my dear Direk Reyno.