Advertisers

Advertisers

Ambulansiya inanod sa tubuhan: 2 pasyente tigok

0 366

Advertisers

Dalawang pasyente ang nasawi nang tangayin ng rumagasang baha ang isang ambulansiya sa Bais City, Negros Oriental habang kasagsagan ng bagyong `Odette’, Huwebes ng gabi, Disyembre 16.

Ayon sa ulat, narekober na ng mga rescuer ang bangkay ng dalawang pasyenteng kinilalang sina Junilyn Ferrer, 33, at Leonara Papa, 76, na nasa loob pa ng ambulansiya.

Natagpuan ang sasakyan sa isang taniman ng tubo, ilang metro ang layo sa lansangan.



Sa report, patungo ang ambulansiya sa Negros Oriental Provincial Hospital sa Dumaguete City 8:00 ng gabi nang gumuho ang isang malaking puno na humarang sa national highway sa Bais.

Dahil dito, nagpasya ang hindi kinilalang drayber ng ambulansiya na bumalik at dalhin na lamang ang mga pasyente sa Bais District Hospital.

Ngunit habang patungo sa nasabing pagamutan niragasa sila ng baha.

Nakalabas ng ambulansiya ang drayber at isang kamag-anak ng pasyente at nakatuntong sa bubungan nito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">