Advertisers

Advertisers

Angel umaksyon sa panawagan na tulong nina Andi at Nadine sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas

0 441

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA IG post ni Nadine Lustre na nakabase sa Siargao ay nanawagan ito ng tulong para sa mga mamamayan ng naturang lalawigan.

Ang Cebu at Siargao ang grabeng sinalanta ng bagyong Odette.



As in, ang daming kabahayan at kabuhayan ang winasak nito at dagsa rin ang mga inilikas mula sa mga mababang lugar ng rescue team.

Kahit ang komunikasyon ay naputol dahil naapektuhan ang kuryente sa lakas ng hangin at ulan.

Kaya naman sa socmed ni Nadine ay nanawagan ito na tulungan ang mga nasalanta ni Odette.

Kahit si Andi Eigenmann na nasa Manila for vacay ay nanawagan din ng tulong para sa kanyang mga kababayan sa Siargao.

Unti-unti pa nga lang daw tayo nakababangon mula sa Covid-19, eto’t may matinding bagyo naman ang nagpadapa sa Cebu at Siargao at ilan pang lugar sa Visayas.



Umaksyon naman agad-agad si Angel Locsin at naghatid at nagbigay tulong na idinaan kina VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan na mangangasiwa.

Kaya pinuri ulit nang bonggang-bongga si Angel ng mga netizen sa kabutihan loob nito lalo na’t sa ganitong kalamidad.

Kung tatakbo nga raw si Angel sa kahit anong posisyon ay sure winner na ito.

***

IRENE ROBERTS CHARITY DIVA NAPA OMG AT NAKA-ONE YEAR NA ANG CHIKANTAHAN

TILL now ay ‘di pa rin makapaniwala ang Charity Diva na si Irene Roberts na naka-one year na ang kanilang live streaming na CHIKANTAHAN kasama si Niel Mcaster.

Dahil sa dumaraming followers kaya nagpatuloy si Charity Diva at ang Song Balladeer na si Niel sa kanilang CHIKANTAHAN para magpasaya.

Katunayan ang hit songs ng Charity Diva na si Irene ay nagpa-contest para sa sariling awitin na senting-senti ang datingan.

Title pa lang alam na ang content ng kanilang live stream tru online.

Sa dami ng comments, likes, hearts at shares ng live stream na CHIKANTAHAN nina Irene at Niel ay mas lalo namang na-inspired ang dalawang hosts.

Punung-puno raw ng maraming pasabog ang first Anniversary ng CHIKANTAHAN.

Bukod sa anibersaryo ay birthday din ng Charity Diva na si Irene, dagdag pa ang announcement ng Grand Champ ng ‘Daing Ng Puso’ singing contest na sabay-sabay ginanap.

Dahil naka-one year na ang CHIKANTAHAN ay marami pa raw aabangan sa mga susunod na episode.

Bonggacious! Congrats! Well, well, well…’Yun na!