Advertisers
ILOCOS SUR – Nasa ospital ngayon at ginagamot ang 30-anyos na lalaki nang saksakin ng kanyang nakaalitan sa Brgy. Ronda, Sta. Lucia, Ilocos Sur Biyernes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Danilo Natividad y Salgado, walang asawa, magsasaka, residente ng naturang lugar; at ang sakarin si Teddie Fuerte Angala, 41, walang asawa, kalugar ng biktima.
Sa ulat, habang ang biktima at ilan niyang kasama nag-iinuman sa isang sari-sari store sa naturang lugar nakita nito si Angala.
Kinumpronta umano ng biktima si Angala tungkol sa isang post nito sa Facebook hanggang uminit nang uminit ang pagtatalo ng dalawa.
Hinihinalang sinuntok ng biktima si Angala kaya bigla itong bumagsak.
Nagalit si Angala kaya sinaksak nito ng isang beses sa bandang suso ang biktima.
Agad na isinugod sa Sta. Lucia District Hospital sa naturang bayan ang biktima matapos ang insidente.
Boluntaryo namang sumuko si Angala na ngayon nasa kustodya na Sta. Lucia Municipal Police Station.
Hindi naman binanggit kung ano ang ipinost ni Angala sa Facebook na naging dahilan ng pag-aaway nila ng biktima.