Advertisers

Advertisers

Itigil ang Agri Smuggling

0 450

Advertisers

Simply that we are mirroring the trends in society, at any given time smuggling was an issue in the seventies, corruption is an issue today, and we faithfully reflect those issues. — Indian actor Ajay Devgan

MAKATI CITY, METRO MANILA — Bilang pagsang-ayon sa pagsuporta ng Partido Reporma sa ating mga magsasaka, pinasaringan ni senatorial aspirant Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar ang mga opisyal ng pamahalaan sa agrikultura dahil sa pagpapabaya ng pag-angkat ng pagkain na siyang ‘pumapatay’ sa ating lokal na mga vegetable grower.

Sa kanyang pahayag, kinuwestyon nh dating hepe ng Philippine National Police (PNP) kung bakit pinapayagan ang mga imported gulay, kabilang na ang mga carrot, sibuyas, repolyo at iba pa, habang nakakasama ito sa ating mga lokal na producer na ngayo ay nagrereklamo sa hindi patas na kompetisyon.



“We are killing the local industry. Why import strawberries and carrots when we have strawberries and carrots here? I think your commitment to your fellow Filipinos should be more important than your commitment with importers,” pinunto iyan ni senador at Partido Reporma ‘presidentiable’ Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pagdinig sa Senado sa mga ehekutibo ng Bureau of Plant Industry na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA)..

Bukod sa problema ng pagdagsa ng inangkat na mga agri product, inireklamo din ng mga lokal na magsasaka ang tungkol sa mga smuggled na prutas, tulad ng strawberry na dineklarang ‘ornamental plants’ at maging mga pangkaraniwang gulay, na talaga namang tinatalo ang lokal na ani dahil mas mura sa presyo.sanhi ng hindi pagbabayad ng buwis at taripa.

Tinukoy ni Eleazar na hindi lamang imported at smuggled agri products na pumapatay sa ating lokal na industriya ang problema kundi maging ang panganib sa kalusugan dahil maaaring ginamitan ng nakakasamang mga kemikal na fertilizer ang mga ito bukod sa hindi sumailalim sa pest risk analysis.

“Hindi dapat pinapayagan ang ganitong situwasyon, lalo na dahil nasa krisis tayo sanhi ng pandemya (ng coronavirus) at paghina ng ating ekonomiya habang maraming sa ating mga kababayan ang nahaharap sa lubhang kahirapan. Kailangan umaksyon ang ating pamahalaan sa problemang ito para masagip ang ating mga magsasaka na naghihikahos na dahil sa pagkalugi sanhi ng mga smuggled na mga gulay at prutas,” pinunto ng dating ‘top cop’ ng bansa.

Samantala, nagpahayag din ng agam-agam si agriculture undersecretary for regulations Zamzamin Ampatuan sa usapin ng smuggling ng farm produce mula sa ibang bansa tulad ng Thailand subalit karamihan ay mula sa Chinese mainland.



“Smuggling is economic sabotage and this is hurting our farmers and fisher folks. The Department of Agriculture has been looking into this issue and we have set up certain measures to curb smuggling. (Moreover), the basic concern of the DA is to ensure that these foods are safe and that they follow sanitary and phyto-sanitary standards, which is the basis for allowing import,” ani Ampatuan.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!