Advertisers

Advertisers

Malaking kabawasan

0 376

Advertisers

ALAM niyo ba? Gaya ng isang segment sa programang pangbalitaan sa TV, ang ating paksa ngayon ay parang ganun din, ang magbigay kaalaman.

Mula kasi nang manungkulan bilang pinuno ng bansa si Pangulo Rodrigo Roa Duterte noong 2016 mahigit na dalawampung libong (20,000) rebelde na ang tinalikuran na Ang komunistang-teroristang samahan na Communist Party of the Philippines-New People’s Amy-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

At alam niyo rin ba? Na dahil sa diskarte ni Pangulong Duterte na i-apply ang “whole-of-nation approach” gamit na rin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) unti-unti nang nababawasan ang pwersa ng mga komunistang-terorista.



Ito ay nalaman ko nang ipahayag ni Defense Undersecretary at Task Force Balik Loob (TFBL) chair Reynaldo Mapagu na magmula nang maging presidente si Pangulo Rodrigo Roa Duterte naitala ang kabuuang bilang na 20,579 na mga nagsisuko ng mga rebelde. Kasama na dito ang 5,262 NPA Fighters, 3,414 miyembro ng Militia ng Bayan, 7,626 mass supporters at 2,224 underground mass organization members.’

Dagdag pa ni Usec. Mapagu, ibinunyag din ng mga nagsisuko ang 51 NPA arms caches nationwide kung saan nakarekober ang 245 mga armas at 100 improvised explosive devices (IEDs) at anti-personnel mines (APMs).

Ang sabi ni Usec., ang pagkakadikubre sa mga armas na ito ay nagpapatunay na humihina na ang bilang ng NPA, na resulta naman ng pagsisikap ng NTF-ELCAC, at patuloy na military at police operations at maging ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na ‘flagship program’ ng pamahalaan para sa integrasyon ng mga dating CPP-NPA-NDF.

Iniulat din ni Mapagu na halos kalahating bilyong piso na ang nagastos ng pamahalaan para sa iba’t ibang programa para sa mga sumusukong mga rebelde.

Katunayan, aniya, nitong November 28, kabuuang P485,462,013.90 halaga ng tulong o assistance na ang naibigay sa 6,418 indibidwal na mga sumukong rebelde; 6,164 naman na mga dating rebelde rin ang nakatanggap na ng agarang assistance; 3,744 naman ang nabigyan ng livelihood assistance at 5,198 naman ang tumanggap ng integration assistance. 1,480 pa ay nabigyan naman ng firearms renumeration o bayad sa mga armas nilang isinuko.



Ang mga armas na binayaran ayon kay Mapagu ay sinira na upang di na mapakinabangan pang muli.

Sinabi pa ni Mapagu, 623 na mga dating rebelde din ay kasama na sa Armed Forces of the Philippines (AFP). 66 sa kanila ay mga “enlisted” na sa AFP “regular forces” at ang natitirang 557 ay mga CAFGU o Citizen Armed Force Geographical Unit.

Ang mga tulong naman aniya, ay mga psychological development, pabahay at livelihood kabilang ang pamilya ng mga dating rebelde na pinatitira sa mga lugar na malayo sa impluwensiya ng CPP-NPA-NDF at makasama pa ang ibang normal na pamilya sa komunidad.

Dito naman pumapasok ang tulong ng Barangay Development Program (BDP) ng NTF-ELCAC.

Ito raw ang makabagong sandata ng Administrasyong Duterte laban sa insureksiyon na nagbibigay pa ng puwang para sa mga dating rebelde na makabalik bilang productive citizens.