Advertisers

Advertisers

Menor de edad napatay ang kalaro

0 245

Advertisers

NAITURN-OVER na ng Women’s and Children Protection Desk ng Pigkawayan PNP sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor de edad na salarin sa pagpatay sa kanyang kalaro sa basketball sa Barangay Balogo, Pigkawayan Cotabato.

Kinilala ng Pigkawayan PNP ang biktima na si Nortariq Ali Sinolinding, 23 at taga Cotabato City; habang ang salarin na menor de edad  nakatira sa nabanggit na Barangay.

Sa report ng Pigkawayan PNP,  habang naglalaro ang salarin at ang biktima ng basketball, biglang nagkainitan at nagtalo ang mga ito, hanggang sa bumunot ng kutsilyo ang salarin at sinaksak ang biktima.



Nagtamo ng saksak sa kaniyang dibdib si Sinolindong na naging sanhi ng kanyang agarang pagkasawi.

Tumakas ang salarin matapos ang insidente pero kalaunan nahuli din ng mga pulis.