Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NOONG pumirma ng kontrata si Bea Alonzo bilang Kapuso, nabanggit niya na tatlong leading men ang gusto niyang makatrabaho sa paglipat niya sa Kamuning station.
Ito ay sina Alden Richards, John Lloyd Cruz at Dingdong Dantes.
Bagama’t bet ding niyang maka-work ang iba, hindi naman ganoon kataas ang excitement level niya dahil wika nga, ‘water seeks its own level.”
Hulyo ng taong ito, winelcome si Bea bilang GMA-7 artist pero in approximately six months, wala pang major project na naumpisahan ang aktres maliban na lamang sa guestings niya sa iba’t ibang TV shows ng nasabing network.
Kahit pa napabalitang sisimulan na ang proyekto niyang movie with Alden, nauna pa ring matapos ang movie nila ng favorite screen partner na si John Lloyd para sa isang fastfood chain.
Sa kaso naman ni Jasmine Curtis-Smith, siya na yata ang masasabing apple of the eye ng network.
Pagkatapos na makatrabaho si Alden sa kanilang seryeng “The World Between Us,” ariba naman siya bilang leading lady ni John Lloyd sa sitcom nitong “HappyToGetHer.”
Kumbaga, tila kinabog ni Jasmine si Bea dahil ang mga bet niyang leading men ay nauna pang nakatrabaho ng una sa GMA-7.