Advertisers

Advertisers

Subukan n’yo naman kami, Lacson-Sotto sa 2022

0 361

Advertisers

TAHASANG hinimok ni Partido Reporma Chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga botante na piliin ang kandidato na may sapat nang kakayahan para ipatupad ang mga batas at may matibay na plano para ibalik ang pagiging matatag ng Pilipinas.

Ang dalawang batikang mambabatas ay may 42-taong pinagsamang panunungkulan sa Senado, kaya naman sinisiguro nila na kayang-kaya nilang ipatupad ang lahat ng mga batas na kanilang ipinasa para mapaunlad ang buhay ng mga Pilipino.
Pagsisiguro ni Lacson, sa ilalim ng kanyang pamamahala ay maipapamahagi nang maayos ang lahat ng pondo ng pamahalaan, kaya naman kakalat din ang pag-unlad sa lahat ng panig ng bansa.

Isinusulong ng Lacson-Sotto tandem ang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) program na target na maibaba sa mga maliliit na komunidad ang pondo na maaari nilang magamit para sa kanilang mga pangangailangan na galing mismo sa kanilang suhestiyon.



Kaya naman sinusuyod ng mga kandidato ng Partido Reporma—kasama ng mga senatorial candidate na sina health advocate Dra. Minguita Padilla, dating police chief Gen. Guillermo Eleazar at dating Makati congressman Monsour del Rosario—ang mga probinsya sa bansa upang makipagdayalogo sa iba’t ibang sektor at lokal na pamahalaan.

Sa “Online Kumustahan” nina Lacson at Sotto sa Naga City nitong Biyernes (Disyembre 10), sinabi ni Lacson na kilalang mahigpit na tagapagbantay ng badyet ng bansa, na ang pangangailangan ng maliliit na barangay ang dapat tutukan ng mga nasa gobyerno.

Dahil naka-sentro sa itaas umano ang pondo, malaki ang hindi nakakarating sa mga lokal na pamahalaan, o kung nakakarating man ay malayo sa kanilang pangangailangan

Subaybayan natin!

***



Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!