Advertisers

Advertisers

TULOY ANG BISYONG SERBISYO NI SEN. BONG GO

0 232

Advertisers

MAY eleksiyon man o ordinaryong araw, may sakuna man o sa tiwasay na panahon, pandemic man o wala na, withraw man o tuloy pa rin, walang makapipigil sa bisyo ni Senator Bong Go, ang mag-serbisyo.

Ang malasakit niya(SBG) sa kapwa Pilipino partikular sa masa ay napatunayang walang halong pulitika ang kanyang paglilingkod dahil sa unang araw pa lamang niya bilang mambabatas sa Mataas na Kapulungan ay trabahong serbisyo agad ang atupag ng sanggang -dikit ni PRRD habang ang ibang bagong halal ay honeymoon sa tagumpay agad ang inasikaso at santabi muna ang pangako sa taong nagluklok sa kanila sa kapangyarihan.

Dahil sa di naman inaasahan ni SBG ang narating nitong pedestal na pinagpasalamat niya sa Panginoon, sa taumbayan at kay Digong, gaanuman ang tayog ng kanya estado ay di siya nagbabago sa pakikitungo sa lahat mula sa itaas hanggang laylayan ng lipunan ay handa itong maglingkod ng walang imbot dahil tunay ngang bisyo ang kanyang serbisyo saan man siya ipadpad ng kapalaran sa malapit man o malaong hinaharap at iyan ang tunay na magaganap. GO lang SEN.BONG GO!



Narito ang mensahe ng founder /organizer ng patuloy na lumalawig pang M-24 Builders of Guardians Canada- USA- Philippines na si Doc Chito Collantes M24B1024 sa mga personaheng patuloy ang ayuda sa organization for a cause:”

Tunay na masuwerte at pinapalad ang M24 Maharlika sapagkat mayroon tayong mga kapatid na tumutulong sa abot ng makakaya sa ating samahan at kapatiran. Partikular kina Sisters Daisyline Austria of Calgary Alberta :Lingling Adora of Windsor Ontario;Mary Ann Boton Pooran of North York;MariaLouh Hidalgo of Toronto;Monet Nuguid of North York;Omleht Gyt of Queensland Australia;Tess Nicolas of Toronto;Gean Gin of Toronto, Ruby and MarGielyn Ubibi Mabuti of North York, Cynthia Collantes, Imelda Reyes, Lucia and Sabel Salome Malonzo of Don Mills Ontario, Ma’m Mjane and Maan Maluz Rea, at sa Iba pang teachers, principals guidance counselors na members of M24 na nagbigay ng donations.

Lalong lalo na sa ating kaibigan at kapatid, Sis.Alicia Santiago mula USA na nag- donate ng maraming uniforms, face masks sa ating mga kabataan at siya rin ay nagkaloob ng chocolates and candies for our Christmas party on December 26 at AMANA RESORT in Angat Bulacan c/o it’s owner Board member Richard Ricky Roque. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtulong sa ating samahan” ,mensaheng pasasalamat ni Organizer Doc Chito Collantes M24B1024. Abangan ang M-24 Sports festival soon. Merry Christmas to all!