Advertisers
Isang field commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa Ampatuan, Maguindanao kasama ang 10 nitong alalay.
Ayon sa ulat ng 2nd Mechanized Infantry Battalion ng militar, kinilala ang lider sa alyas na ‘Commander OB10.’
Sa kanilang pagsuko, dala nila ang mga armas, gaya ng dalawang M-16, isang M14, isang Springfield rifle, dalawang Garand rifle, dalawang grenade launcher at dalawang Barrett sniper rifle.
Batay sa tala ng militar, mahigit 100 BIFF member na ang sumuko sa pamahalaan ngayong taon.
“The synergy between the security forces and the local government units manifests that we have an advantage in fighting against local terrorists in this part of the region.
We can successfully thwart the enemies and stop them from committing dangerous acts through the cooperation of everybody,” wika ni Join Task Force Central at 6th Infantry Division commander Maj. Gen. Juvymax Uy.
Isang teroristang grupo ang BIFF na may koneksyon sa Islamic State.