Advertisers

Advertisers

Commander ng parak sangkot sa robbery sa Pasig, sibak

0 466

Advertisers

Sinibak sa puwesto ang commander ng Taguig Police Sub-Station 1 kasunod ng kontrobersiyal na P3O milyong robbery holdap sa bahay ng isang Chinese sa Pasig City noong nakalipas na Sabado.

Kinilala ang sinibak na si P/Major Nimrod Balgemino Jr., na siyang immediate superior ng mga pulis na sangkot sa insidente na sina S/SGT. Jayson Bartolome, Pat. Kirk Joshua Almojera at Corporals Merick Desoloc at Christian Jerome Reyes.

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, sinibak sa pwesto si Balgemino para hindi na nito maimpluwensyahan ang umuusad na imbestigasyon na may kinalaman sa panghoholdap ng kanyang mga tauhan.



Una na ring nag-apoy sa galit si NCRPO Director Vicente Danao Jr., nang makaharap nito ang apat na mga bagitong pulis.

Kinasuhan na sa Pasig City Regional Trial Court ang apat na pulis at 1 kasabwat kaugnay ng naturang robbery sa Hapones at kinakasamang Pinay sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Kapitolyo, Pasig City noong Sabado.

Bukod sa apat na parak, dinakip din si AJ Mary Agnas na staff ng mag-asawang biktima habang pinaghahanap pa ang dalawa pang kasabwat na sina Ferdinand Fallaria na dating pulis na nakatalaga sa NCRPO at isang Rowel Galan.
Batay sa ulat ng Pasig City Police, naganap ang krimen 12:10 ng madaling araw ng Sabado.

Pinasok ng mga suspek ang bahay ng mga biktima na sina Kani Toshihiro at Joana Marie Espiritu at tinutukan ang mga ito ng baril saka sapilitang pinabuksan ang vault saka tinangay ang nasa P30 milyong pera.

Agad namang nakahingi ng tulong sa pulisya ang mga biktima kung saan nagsagawa ng operasyon.



Nagkaroon pa ng habulan kung saan napatay ang isang pang kasabwat ng grupo habang naaresto ang apat na pulis.