Advertisers

Advertisers

Internet traffic surge ngayong Pasko

0 470

Advertisers

PINAYUHAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang public telecommunications entities at internet service providers na maghanda sa posibleng maranasang surge ng internet traffic ngayong Christmas season.

Sa isang memorandum na inilabas ngayong araw ng Linggo, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na inaasahang titindi ang internet traffic ngayong holidays.

Makakadagdag din dito ang paghimok kamakailan aniya ng Department of Health (DOH) sa publiko na gawing virtual na lamang ang mga Christmas parties dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.



“During the period from 17 December 2021 to 07 January 2022, please observe a heightened level of emergency preparedness to ensure minimal disruption and downtime strictly complying with the prescribed service performance standards at all times,” ani Cordoba sa mga telco entities at internet service providers.

Dito na naman nating mararanasan kung gaano kabulok ang serbisyong ipinagkakaloob ng mga premier internet providers natin gaya ng Globe, PLDT at Converge.

Wala pa nga sa panahon ng Kapaskuhan ay paiyakan na ang kalidad ng kanilang serbisyo.

Very poor kung susumahin ang kalidad ng kanilang serbisyo.

Pero sa bayaran, ang bibilis ng mga hindoropot na ito.



Ang bibilis din sa “pagputol ng internet connections” kapag nade-delay sa pagbabayad ang mga consumers.

Nganga naman ang Department of Trade and Insdustry (DTI) at NTC sa kapalpakang ito ng mga telcos natin.

Wala nang masilungan ang mga tao.

Walang ahensiya ng gobyerno na mapagsumbungan sa kapalpakan ng mga hindot ng kumpanyang ito!

Marahil ay marapat lamang ang mga ginagawang pambobomba at panununog ng mga kasapi ng NPA sa mga pasilidad ng mga higanteng kumpanyang ito sa mga kanayunan.

Doon lamang nakakaganti ang sambayanang Pilipino sa pang-aabuso ng mga kumpanyang telco sa mamamayan.

Dahil limitado ang bilang ng mga “providers” sa internet natin dito sa Pilipinas kung kaya’t parang mga kung sinong “Haring Gago” ang mga nagmamay-ari ng mga telcos na ito na walang malasakit sa kanilang mga kostomer.

Puro interes lamang nila ang iniintindi.

Puro kita at wala nang pakialam sa kalidad ng kanilang ipinagkakaloob ng serbisyo.

Habang inutil sa problemang ito ang pamahalaan, mananatiling nasa losing end ang mga consumers nating Pinoy.

Hanggang walang political will na magmumula sa gobyerno na brasuhin ang mga higanteng telcos na ito na mapagbuti ang kanilang serbisyo, mananatiling palpak ang internet connections natin dito sa Pilipinas.

Sad to say, inutil din ang mga senador at congressmen natin na tila patabaing baboy lamang ng mga bilyonaryong nagmamay-ari ng mga telcos na ito.

Na imbes makatulong sa pag-unlad ng bayan ay tila sinasabotahe pa ang takbo ng komersyo at kaunlaran ng bawat industriya na nakatali sa serbisyo ng internet.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com