Advertisers

Advertisers

Lola at binata, nag-suicide sa Catanduanes

0 267

Advertisers

Ilang araw bago ang Pasko kung saan inaasahan na ipagdiriwang ito ng bawat pamilyang Pilipino, na sama-sama, buo at masaya, tila hindi na ito mangyayari pa sa mga naiwang kaanak ng dalawang indibidwal sa magkaibang bayan sa lalawigan ng Catanduanes ang kitilin ang kanilang sariling buhay.

Batay sa ulat ng Catanduanes Police Provincial Office, naipaabot sa kanilang mga himpilan ang dalawang magkahiwalay na suicide incident sa bayan ng Virac at Caramoran.

Nitong nagdaang Biyernes, December 17, isang 59-anyos na lola sa Brgy. Dariao sa bayan ng Caramoran ang naiulat na nasawi matapos na magbigti.



Bago umano ang insidente, ilang beses na tinangkang magpakamatay ng naturang biktima ngunit napipigilan pa ito ng kanyang mga kaanak.

Matapos ma madiskubre ang wala ng buhay nitong katawan, agad itong dinala sa Rural Health Unit para isailalim sa ‘post mortem examination.’

Samantala sa Brgy. Bigaa naman sa bayan ng Virac, labis-labis ang paghihinagpis ng mga magulang ng 18-anyos na binata mula sa nasabing lugar, matapos na madatnan ng mga itong wala nang buhay ang kanilang anak sa loob ng kanilang bahay habang nakabitin, 3:00 ng madaling araw nitong Linggo.

Ayon sa mga magulang ng biktima, hindi nila lubos maisip kung ano ang nagtulak sa kanilang anak para kitilin ang sariling buhay lalo na at wala naman umano ang mga itong napansin na kakaiba sa ikinikilos ng biktima.

Sa report, sinadyang hindi isalaysay ang proseso at pamamaraan ng pagpapatiwakal ng mga biktima, upang hindi makapagbigay ng ideya sa may mga parehong kaisipan.



Paalala ng mga mental health expert sa lahat ng mga taong dumadaan sa ganitong pagsubok, huwag itong hayaang lumalim, hangga’t maaari ibahagi ang nararanasang problema o saloobin sa kapamilya, kaibigan o mga eksperto upang mapagaan ang nadarama at mabigyan ng tamang payo at nang hindi mauwi sa pagkitil sa sariling buhay.