Advertisers
LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lolo sa sa Barangay Cotmon bayan ng Camalig Albay dahil sa kasong Statutory Rape.
Kinilala ang akusado na si Alyas Nicanor, 63 anyos, at residente ng Purok 6 ng nasabing barangay.
Ayon sa report, umaga ng puntahan ng PNP personnel ng Pitogo MPS, Quezon PPO, PRO4A ang tinutuluyang bahay ng akusado upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest sa nasabing kaso na pirmado noong Dec 2, 2021.
Wala rin ibinigay ang korte na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Dinala pansamantala si alyas Nicanor sa Camalig MPS para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda pa ang paglilipat nito patungo sa court of origin.