Advertisers

Advertisers

12-anyos patay sa napulot na pampasabog

0 293

Advertisers

Patay ang 12-anyos na lalaki habang sugatan ang isa pang binatilyo sa pagsabog sa tabing dagat ng Barangay Rio Hondo, Zamboanga City noong Lunes.

Kinilala ang nasawing biktima sa pangalang Erickson. Samantala, sugatan ang kinilala sa pangalang Jovan.

Ayon sa ulat, bigla na lamang nakarinig ng pagsabog sa may tabing-dagat, at pagresponde ng otoridad tumambad na sa kanila ang bangkay ni Erickson.



Batay sa testimonya ng isa pang kasama nina Erickson, nakapulot sila ng isang hugis ‘tube’ na bagay habang naliligo sa dagat.

Isa umano sa tatlo ang nagbato ng napulot nilang bagay sa pader at sumabog ito.
Hindi pa umano nadidiskubre ng mga awtoridad ang uri ng pampasabog na kumitil kay Erickson.

Samantala, pinaghihinalaang ang pampasabog, kung ano man ito, ay natira sa naging bakbakan sa Zamboanga noong 2013.(Mark Obleada)