Advertisers

Advertisers

3 kawatan huli sa pagpuslit ng narra

0 294

Advertisers

Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang tatlong lalaki na nakatakdang magpupuslit ng tinatayang mahigit 2,000 boardfeet na narra na isinakay sa isang elf truck sa bahagi ng Cabatuan road ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Roland Dela Cruz, 28-anyos, may asawa, traysikel driver; Ronald Valerio, 35-anyos, magsasaka, walang asawa; at Jonathan Vicente, 42-anyos, may asawa na pawang mga residente ng Brgy. Villa Concepcion, Cauayan City, Isabela.

Sa ulat, 5:00 ng umaga, nang maglatag ng Anti-illegal Logging operation ang pinagsamang operatiba ng Cauayan City, RGSC Isabela, 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) at Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) kung saan namataan ng mga otoridad sa kahabaan ng brgy. San Fermin ang elf truck na may plakang TMA-151 na minamaneho ni Dela Cruz.



Ayon kay PCapt. Grandeur Tangonan, Deputy Chief of Police ng Cauayan City Police Station nang busisihin ng kapulisan ang elf truck  nabisto ang sakay na illegal logs na tinabunan ng nakasakong “ipa” at tinakpan ng tolda kung saan inaresto ang tatlong suspek dahil walang maipakitang mga kaukulang dokumento ng kanilang ibiniyaheng kahoy.

Ang mga nasabing kahoy, pagmay-ari ni Fred Cagurangan na nakatakdang i-deliver ang mga ito sa isang Furniture shop dito sa lungsod.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o illegal logging ang tatlong suspek.(Rey Velasco)