Advertisers

Advertisers

Bebot natangayan P44k sa text scam

0 324

Advertisers

Nauwi sa pagkalugmok ang sana’y paghahanap ng sideline job ng 21-anyos na call center agent nang patulan ang isang text scam na nag-aalok ng trabaho kung saan siya pa ang natangayan ng P44,000.

Kinilala ang biktima na si Erika Sagales.

Kwento ng biktima, nakatanggap siya ng isang text message na nag-aalok ng trabaho, na sumakto naman sapagka’t naghahanap siya ng extra na pagkakakitaan.



Nang pinindot umano niya ang link na nasa text message, dinala siya nito sa isang Whatsapp account kung saan nakikipag-transaksyon siya.

Pinangakuan umano siya ng kita mula sa investment kung magbibigay siya ng P44,000. Binigay naman ni Sagales ang naturang halaga na inutang pa niya sa kanyang tiyahin.

Ngunit matapos umano niyang magbayad, naka-block na siya sa nagpakilalang agent.

“Naghahanap ako ng part time job kasi ‘yung kinikita ko, breadwinner kasi ako kulang so iniisip ko na makakatulong siya sakin kasi nagkaroon ako ng proof na naka-cash out ako, naka-cash out kami ng tita ko so iniisip ko na totoo siya,” kwento ni Sagales.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.



Payo naman ng National Privacy Commission, huwag patulan ang mga text message lalo na kung galing ito sa mga ‘di kilala cell phone number.