Advertisers
Ni WALLY PERALTA
LITERAL na sa bundok maninirahan ang bagong kasal na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
Sa blogsite ng mag-asawa ay pinakita nila ang bahay na kanilang pinagagawa na nasa mabundok na lugar. Hindi na sinabi pa ni Dennis kung saan ang naturang bundok na pinatitirikan ng kanilang love nest.
Ayon pa kay Dennis, ang lokasyon na napili nila ay maganda para sa lumalaki na nilang pamilya, bukod kasi sa presko ang hangin ay sariwa pa ang mga pagkain na mabibili o dili kaya aanihin nila.
Hindi akalain ng magaling na Kapuso aktor na mapabibilis ang kanilang paglipat sa bahay na pinagagawa dahil isa sa plano noon ni Dennis na pag natapos na ang kanilang tahanan ay dito siya magpo-propose sa asawa.
Pero nagbago lahat ng plano ni Dennis dahil sa maagang pagbubuntis ng misis kaya agaran din ang kanyang proposal para pakasal agad.
Malaki ang bagong tahanan ng mag-asawa na may sariling kuarto rin ang kanilang mga anak. Si Dennis ay may Calix na anak sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar samantalang si Jen naman ay may baby kay Patrick Garcia na pinangalanan nilang Alex Jazz.
***
WALANG kaabug-abog nang nag-anunsiyo ang StarStruck 2015 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer, na iiwan na niya ang showbiz at maninirahan na sa bansang sinilangan at tahanan ng kanyang mga magulang, sa Australia.
Buwan nga ng Abril ay umalis ng bansa si Migo, na hindi nangako o nagsabing babalik pa siya ng Pinas para sa kanyang karir. Hindi naman masyadong nalungkot ang fans ni Migo dahil sa madalas ay nagpo-post siya ng mga larawan ng mga ginagawa niya sa Australia.
Pero ang pinakagumulat sa kanyang mga supporters ay ang larawan ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Katrina Mercado habang suot ang isang engagement ring at kayakap si Migo.
At narito ang caption ng naturang larawan na pinost ni Migo sa kanyang social media account.
“And just like that, the next chapter of my life starts. You know what they say, if you like it, then you should put a ring on it. @katrinaamercado to more adventures and endeavours my dearest.”
Sa ngayon ang sigurado lang ay ang pagpapakasal nina Migo at Katrina, pero kung kailan at saan ay hindi pa naaayos ng soon to be husband and wife