Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
USAP-usapan ang naging eksena nina Jane de Leon at ng Darna co-star nitong si Joshua Garcia sa 2021 Christmas special ng ABS-CBN.
Sa simula, mapapanood lang ang dalawa na magkatabi at masayang sumasabay sa kanta ng mga kasali sa naturang event.
Sa huli, nahuli si Jane ng kamera na nasa likod ni Joshua, habang ang kanang braso ng aktres ay nakaakbay sa leeg ng kapareha.
Nag-tweet ang netizens ng screenshot ng yakapan ng dalawa at sinabing kinilig sila.
Pero ipinaliwanag naman ni Jane ang tunay na rason sa likod ng nabanggit na pangyayari.
“Thank you @iamjoshuagarcia for helping me cover my wardrobe malfunction!,” tweet niya.
Aniya, napigtas daw ang kanang strap ng kanyang green cocktail dress na suot kaya muntik nang mag-hello ang kanyang bobey.
Ni-like naman ni Joshua ang tweet ng kanyang co-star.
Umani naman ang tweet ni Jane ng samu’t saring reaksyon sa kanilang followers.
Heto ang ilan sa kanilang mga komento.
“Ay napigtas pla isang strap kala ko totoong sweet na pero infairness bagay. Kayo nab ago lt ko. Excited for darnaaaaaa!!!”
“oy ano yan..bakkt may Spark..huy!! ano ba yan”
“Kaya pala nkita ko Yung coat ni papa Joshua nakay Darna na. Kilig. Hihi”
“So sweet ni @iamjoshuagarcia.”
“Kahit kanino talagang babae, napakamatulungin at marespeto@iamjoshuagarcia.”
“Haynaku! Panindigan nyo ang sweetness na yun.”
“Nagka-developan na iyan.”