Advertisers

Advertisers

Kris at Angel sanib-pwersa sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette

0 325

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

FIRST Christmas at New Year ngayong taon na engaged si Kris Aquino kay former DILG Secretary Mel Sarmiento.

Sinabi ni Kris sa latest  post niya na nagbakasyon na sila last December 9.



“It  was  my dear desire  to keep our pre Christmas break very private. Mel & I Left  Dec. 9  with every intention of  being back  Dec. 17. Ang tagal pinagplanuhan  kung saan pupunta. Walang available in Bataan or Zambales. We could  be accommodated in Boracay (thank you @discoveryshoresboracay & @theaukhanaboracay) pero problema namin  yung air  trace because of my compromised, immunity. Sadly, my weight  had  dropped  below 90 lbs,” simula ni Kris sa kanyang Instagram post.

Kahit  nasa bakasyon  ay nakipag-team up si Kris kay Angel Locsin para tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Odette sa Cebu.

“Ayokong isipin ninyo na dedma ako sa pinagdaanan ng mga kapwa nating Pilipino dahil sa napakalakas at bagsik  ng bagyong #Odette.

“Hindi na po ako magdedetalye pero  nonstop ang communication ko sa mga kaibigan  kung paano makakatulong. Maraming salamat  sa @puregold ph dahil  natulungan  akong magbigay  sa kaibigan na may paraan para ipaabot  ang aking pamaskong  pagbahagi sa area  nila sa Mindanao.

“Salamat  sa @snr official, smsupermalls and @stweets sa pagtulong sa `min para mapakumpleto ang necessities para sa mama at mga pamangkin ni Mel na walang kuryente, nasiraan  ng generator, walang tubig  at para magka-signal, umaakyat sa  rooftop ng bahay nila.



“Paubos na rin po ang gasolina sa Cebu, kaya grabe  ang iniiyak ng puso ko para sa mga nawalan ng lahat.

“Matagal na kaming  tandem ni @therealangellocsin pag ganitong may  kalamidad  at araw-araw  kaming nag-uusap  kung paano ba makakatulong,” say pa ni Kris.

Nakipagtulungan na rin daw siya kay Vice President  Leni Robredo.

“5 AM kanina magka-text kami ni VP. Saludo ako sa kanya at kay Senator @mannypacquiao dahil nagkaisa  sila para mas maraming matulungan. Finally makakauwi na  at mas marami  nang magagawa,” pahayag pa ni Kris.

“God bless the Phils, during  yet another  crisis. Sana wag tayong mawalan ng pag-asa dahil  pabangon pa lang, knockout na naman. Bawal ang sumuko dahil hindi  tayo  pababayaan ng magbi-birthday sa Dec.25,” pagtatapos ni Kris.

***

PAO Chiel Persida Acosta hinarap ang entertainment press

Every year nakaugalian na ni PAO Chief Persida Acosta na harapin at batiian ang mga kaibigang entertainment  press.

Nagsimula ito nang magkaroon siya ng programa sa TV 5 titled Face to Face, bilang tagapayo sa show na hosted by Amy Perez.

Pero yan ay mataga na nga at hindi na napapanood sa TV si Atty Persida kaya naman siguro na-miss na niya ang mga kaibigang press at nagpatawag ng Thanksgiving para maka-mingle ang mga manunulat.

Sinabi ni Atty. Persida na malaki ang respeto niya sa entertainment media dahil unang-unang binabasa at binubuksan ng mga tao kapag  bumili ng diyaryo ay ang entertainment page.

“Sa totoo lang, sa mga diyaryo, mas uunahin nating puntahan ang entertainment page para basahin  ng mga Marites,” aniya.

Kahit na mga seryosong kaso ang kinakaharap at hinahawakan ng butihing PAO chief ay gusto rin niyang  maging updated  sa mga nangyayari sa local showbiz industry.

Layunin din ni Atty Persida na iparating sa mga kaibigang press ang mga kasong  hinahawakan ng PAO tulad ng Dengvaxia na panahon pa ni dating Pangulong Benigno Aquino na hanggang ngayon ay ipinaglalaban pa rin ng Public Attorney`s  Office sa pamumuno nga ni Atty Persida Acosta.

Sinabi pa ni PAO Chief na hangga`t   makakaya nilang tumulong ay kanilang gagawin dahil  nasa tamang landas ang kanilang pinaglalaban at para na rin sa mga kawawang nabiktima ng Dengvaxia.

Samantala, may live streaming program ngayon si Atty. Persida, ang PALA Live show na nasa season 2 na. Ang PALA ay Persida Acosta`s  Legal Advice na si Atty. ang tumatayong host ng programa.

Na-excite ang press people nang sabihin ni Atty. Persida na may posiblidad na isapelikula ang kanyang buhay at  kung walang magiging aberya gusto niyang si Dawn Zulueta ang gaganap bilang siya at si Richard Gomez naman ang gaganap bilang kanyang husband.