Advertisers
MARAMING pulitiko sa Oriental Mindoro ang nagnanais na maglingkod.
Subalit isa sa batayan ng mga botante ay kung may nagawa ba ang mga tumatakbong pulitiko sa panahon ng pandemya na ang karamihan ay nagtatago o “missing”, Lumalabas lang kapag ELEKSYON.
Maingay ang bulong-bulungan na mas nakakalamang ang kasalukuyang Calapan City Arnan Panaligan, aspirante bilang Congressman, incumbent 2nd District Congressman Alfonso ‘PA’ Umali Jr at Senior Deputy Speaker Cong Doy Leachon aspirante bilang Gobernador kumpara umano sa kanilang mga “katunggali”, kumbaga NO MATCH?!
Ayon sa mga Mindoreño mahirap talunin ang gaya nila Umali, Panaligan at Leachon dahil mula Marso 2020 kung saan pumutok ang CoronaVirus hanggang sa kasalukuyan ay walang sinayang na oras sa pagseserbisyo para sa mamamayan ang tatlong lider na ito sa Oriental Mindoro.
Kahit saang sulok ng barangay sa Oriental Mindoro ay sinusuyod nina Leachon, Umali at Panaligan para ihatid ang tulong o ayuda ng walang pinipiling araw basta ang tanging hangad ay madala ang tulong sa kanilang mga kababayang lubhang apektado ng pandemya na nawalan ng trabaho at pangkabuhayan dulot ng COVID-19.
Ang araw ginagawang gabi at ang gabi ginagawang araw nina Umali, Panaligan at Leachon masulusyon lang ang virus na gumimbal sa lalawigan o sa buong mundo kung saan marami ang namatay at nagkasakit na nagpabago sa buhay ng bawat Pilipino.
Lahat ng suhestiyon na inihain ay kanilang pinag-isipan at ginawan ng paraan para malabanan ang pandemya.
Mula sa pagmulat ng kanilang mata ay sila ring simula ng kanilang pag-iikot sa mga barangay. Pag-iikot na sa pakiwari ko ay wala nang katapusan dahil hangga’t may banta ng COVID-19, bagsak ang ating kabuhayan, dadag pa ang ating ekonomiya at banta ng Omicron Variant.
Maswerte ang mamamayang mindoreño dahil meron silang dalawang congressman at mayor na masasandalan sa oras ng kagipitan.
Kaya paano tatalunin ang tulad nina Umali, Panaligan at Leachon na ang iniisip lagi ay pagsilbihan ang kanilang mamamayan.
Abay, paano patataubin ang mga mahusay at matapat na mga lider, na bukod sa ubod ng sisipag matulungin madali pang lapitan.
Performance, yan ang nakita natin kaya paano matatalo ang mga masipag na areh sa 2022 election.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!