Advertisers

Advertisers

PINAY OFW PASAKLOLO KAY SEN. GO AT PRRD

0 416

Advertisers

PATULOY pa rin ang nararanasang maltrato ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa Saudi Arabia partikular ang mga Pinay na domestic helpers sa disyertong lupaing iyon ng mga Arabo.

Kahit na gaano ang pagmamalaki ng ating mga kinauukulan sa DOLE,POEA at OWWA na maayos na ang kalagayan ng ating mga kababayang kababaihang naghahanapbuhay sa ibayong dagat para sa kanilang pamilya dito ay tunay na kaawa-awa ang kanilang kalagayan kung paano sila mabusabos ng mga among Arabyano.

Iilan lang ang sinusuwerte pero mas marami ang halos takasan ng bait dahil sa maltratong kanilang dinaranas sa bansang iyon na di makatao ang kulturang kanilang nakagawian .



Isang masugid na tagasubaybay ng ating pitak ang nagpadala ng video clip ng kanyang hipag na nagtatrabaho sa Al Taif ,KSA na luhaan at nagmamakaawa ng tulong sa ating kinauukulan kaugnay ng kanyang abang kalagayan sa nararanasang maltrato nito sa kanyang walanghiyang employer.

Isang makahayop na trato ng limang amo ni Mary Grace Albao ay ang pagbusabos sa kanya sa trabaho at ang grabeng isang beses lang siya pakainin sa isang araw.

Abusong pisikal at nanganganib nang sekswal dahil sa pumapasok na lang umanong biglaan ang among lalaki sa kanyang kuwarto na kinatatakutan niyang me masamang mangyari anumang oras na sapian ng demonyo ang amo kaya’t nananawagan siya sa kinauukulan upang siya ay matulungang makaalis sa impyernong bahay na iyon , makahanap ng ibang baka mas mabuting employer o kaya ay makauwi na lang ng Pilipinas.

Dahil pinagbibintangan pa siya ng masama ay nakiusap siya sa kaniyang agency pero tengang- kawali lang sa kanya sa halip ay pinapatuloy itong magtrabaho sa diyablus na employer dahil wala umanong maibibigay na tiket sa kanya at ang siste ay kailangan pang magbayad ng beinte-singko mil para siya pakawalan.

Dalawang buwan na siyang mistulang bartolina ang kalagayan.



Hopeless na si Mary Grace kaya wish niyang makarating ang kanyang saklolo kay Senator Bong Go at Pangulong Duterte.

Di lang si Mary Grace ang dumaranas ng maltrato sa mga demontres na Arabo.

Maraming Pinay ang dumaranas nito tulad ng di pagsunod sa kontrata ,hatinggabi na pahintuin sa trabaho ,tinapay lang pagkain sa buong araw at trabahong- kamelyo ang pagbusabos ng mga demonyo.

Tiyak na matutunghayan ito ng butihing Senador Go na subok ang malasakit at serbisyo sa ating abang kababayan at siguradong makararating ito kay Pangulong Digong.

Kaya kayong agency na basta na lang magpapaalis ng nakikipagsapalarang kababayan kapalit ang pera pero wala na kayong pakialam kung ano ang kahihinatnan ng pinagkakitaang kababayan ay kumilos kayo ng naayong hakbang upang di mapahamak ang mga kawawang kababayan sa Gitnang Silangan.Alam nyo kung sino kayo…ABANGAN!

Lowcut: Shoutout sa ating kababayang ex- national gymnast at coach Robin ‘Gen Padiz na nasa Riyadh ,KSA bilang sports instructor.Siya ay may adbokasiyang tumutulong sa mga naapektuhang OFW’s sa panahon ng pandemic katuwang ang kanyang tropa sa Grab United We Care. Kaya ang biyaya kay Gen ay siksik,:liglig. Kudos sa mga kinauukulan sa Phil.Overseas Labor Office ( POLO). Mabuhay kayo!

Good morning sa Keys Placement at kay Ma’m Roco.Nasa inyo ang susi dapat ng malasakit sa kapwa Pilipino.Happy Holidays!