Advertisers

Advertisers

Siklista kinalawit ng truck crane

0 226

Advertisers

HINDI na umabot sa ospital ang isang lalaking nagbibisekleta na tumawid sa kalsada nang madale ng truck crane sa Bacoor City, Cavite Lunes ng madaling araw.

Isinugod pa sa St. Dominique Hospital ang biktimang si Bernardo Aquino y Cabiling, nasa wastong edad ng Brgy Maliksi 3, Bacoor City, Cavite subali’t hindi na ito umabot ng buhay.

Kinilala naman ang driver ng isang Zoomlion QT25 Truck Crane na si Jomar Rebella, nasa wastong edad.



Sa ulat ni  Pat. Marco Romero Cupo, ng Bacoor City Police Station, minamaneho ni Rebella ang truck crane at binabagtas ang inner lane ng kalsada sa Aguinaldo Highway patungong Maynila nang tumawid sa kalsada ang nakabisekletang biktima 12:05 ng madaling araw.

Hindi na nakontrol ng driver ng truck crane ang kanyang manibela  na nagresulta sa agarang kamatayan ng biktima.