Advertisers

Advertisers

14 Tauhan ng Maynila pinadala sa Cebu para tumulong sa nasalanta ni ‘Odette’

0 217

Advertisers

Nagpadala ng 14 man contingent ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa probinsya ng Cebu upang magsagawa ng Rescue and Humanitarian Assistance Operation.

Partikular na binubuo ng contingent ang mga miyembro ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (Manila DRRMO) .

Ito ay unang batch pa lamang ng team na bumiyahe sa Cebu upang tulungan ang mga residente dito na nasalanta ng bagyong Odette.



Naghahanda na rin ang second batch ng mga tauhan ng Manila DRRMO na magtungo sa Cebu kung saan kasalukuyan na silang nagkakarga ng mga emergency units sa pier at inaasahang darating sa nasabing probinsiya sa kamakalawa ng umaga.

Layunin ng lokal na pamahalaan ng Maynila na sa maliit na paraan ay makatulong sa pamahalaang panlalawigan ng Cebu upang mas mapabilis ang kanilang pagbangon.

Hangad rin ng Manila LGU na makabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga residente ng Cebu at masimulan na rin agad ang kanilang mga Build Back Better na mga programa.(Jocelyn Domenden)