Advertisers
LITERAL na umaalagwa ang CHOOKS-TO-GO, kasalukuyang sponsor ng MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL) na umangat sa professional level sa basbas ng GAMES and AMUSEMENT BOARD (GAB).
Top goal pala ni Sports patron RONALD MASCARINAS na maiangat ang Sports at matulungan ang marami para tumaas pa ang employment sa bansa. Bilang isang successful businessman, marami umano siyang pinagdaanan at alam niya ang hirap ng buhay dahil lumaki siyang ulila. Nagawa niya ang pangarap kahit walang napakalaking sandalan sa naisip na negosyo- ang maghain ng manok sa pagsilang ng CHOOKS-TO-GO, sa matunog na linyang, ‘Masarap kahit walang sarsa!’
Ayon sa source, walang farm si CTG Big Boss RONALD, maynakuha lang partner na supplier ng manok at dun nagsimula hanggang pinalad na magkaroon ng maraming branches/franchise sa bansa.
After over ten (10) tears, bumulaga sa Batangas ang first ever CHOOKS Dine-In Restaurant sa Level 1, Robinson’s Place sa Lipa. Binuksan ang fastfood resto suportado ng ilang sports personalities led by boxing icon turned senator MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO, founder ng MPBL. Kasama ni PACMAN ang staff at sigurado raw uulit sila sa sarap, pahiwatig na mapapadalas sa pagbisita roon ng Pambansang Kamao. Isa sa highlights ang pag-join ni CHOOKS Big Boss RONALD with ANDREI PARAS sa mismong pag-serve ng foods sa visitors. “Napakasarap ng pagkain dito, subukan nyo,’ sey ni Senator now presidentiable PACQUIAO. Very thankful si Sports patron cum CHOOKS owner RONALD .”Nagpapasalamat po ako at pumayag si Sen. PACQUIAO sa imbitasyon na i-open ang grand launching ng first CHOOKS Restaurant dito.’ Sa mga kabayang Batangenyo, sabay-pasalamat,’CHOOKS-To-Go pa man lang, tinangkilik na nila. Isa po ito sa pinakamalakas naming area.”
Agaw-pansin sa amin ang hosting ni katotong MARK ZAMBRANOsa opening ng CHOOKS Dine-In Resto sa Batangas. Sino pa nga ba ang expected mag-host sa special event, di po ba, naroon din sa recent opening ng MPBL sa Mall of Asia Arena si MARK at betterhalf niyang singing diva na si AICELLE SANTOS?Si MARK pala ang nahugot sa pwestong Marketing Head ng CHOOKS. Dating sports analyst si MARK sa TV5, remember, after several coverages as a veteran TV field reporter?Very grateful din siya sa opportunity at tiwala ni CTG Big Boss RONALD. Lucky charm nga yata ni MARK ang wifey niyang si AICELLE , better opportunities ang dumarating especially nang maging official couple sila.
Masarap at katakam-takam ang menu offer, tampok ang unli o unlimited rice na pamosong attraction sa costumers. (Napakalayo nga laang po ng Batangas dine sa Metro Manila ey!) Sana ang kasunod na branch, dito na sa Metro-Manila. Feeling lang namin, suporta na rinsa mga dagdag na empleyado at sa Sports community na inspirasyon ng CHOOKS Big Boss, partikular sa ongoing CHOOKS-To-Go MPBL Invitational Tournament. Don’t forget, ligang prupesyunal na po yan, angat manggagawa pa more!
DECEMBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to CHRISTIAN DENVER S. ALEJO (Dec. 25) of Pugad-Lawin Faculty, Quezon City, to Mam SHARA ALASCO and Mam ROWENAR. GARCIA both of AUPC, and to AILEEN F. REQUEPO of Taguig City. HAPPYREADING!