Advertisers
Nasa ospital ngayon ang 37-anyos na lalaki nang pagpupukpukin sa ulo gamit ang isang bato ng kanyang mga nakaalitan sa Brgy. Pudoc West, Tagudin, Ilocos Sur, Martes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Ferdinand Mina y Sabado, 37, may asawa, construction worker, residente ng naturang lugar.
Nakilala naman ang magkapatid na salarin na sina Ricky Monis y Turado, 34, binata; at Redel Monis y Turado, 24, binata, parehong kalugar ng biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at si Ricky sa bahay ng huli nang biglang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Sa gitna ng kanilang pagtatalo, biglang pinagpupukpok ni Ricky sa ulo ang biktima gamit ang isang bato sa tulong ng kanyang kapatid na si Redel.
Agad na isinugod ang biktima sa Ilocos Sur District Hospital sa Brgy. Bio, Tagudin matapos ang insidente.
Agad namang naaresto ang magkapatid.