Advertisers
KUNG mananalo at maisasakatuparan ang binuong plataporma ay maraming mahihirap na mamamayan ang mapagkakalooban ng mga presentableng magiging tahanan ng kanikanilang mga pamilya sa magiging katulungan ng bagong nabuong PARTYLIST.
Maging ang mga MEDIA PERSONALITY na dumalo kamakalawa sa launching ng HOME OWNER PARTYLIST na isinagawa sa isang restoran sa QUEZON CITY.ay napapalakpak at marami sa mga ito ang nagnanais na makabahagi rin sa mga proyektong ilulunsad kapag nanalo sa ELECTION 2022 ang nasabing PARTY LIST.
Ang bagong PARTYLIST ay babalangkas ng mga pamamaraan upang ang mga LESS FORTUNATE ay magkaroon ng presentableng magiging bahay at pag-aari ng kanikanilang mga pamilya sa murang halaga tulad sa halagang P500 kada buwan na ang lot area ay 50 sq.m.
Sa ginanap na launching ay idineklara ng HOME OWNER PARTYLIST ang kanilang adyenda sa programang pabahay at pagsugpo ng kahirapang kanilang pagtutuunan tulad sa pagpapatibay ng mga samahan ng mga may-ari ng bahay; pagpapairal sa walang demolisyon at pagpapalayas; paggamit ng lupang pag-aari ng gobyerno para sa SOCIALIZED HOUSING at iba pang pangkatulungan para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pangkabuhayan ng mga HOME OWNER.
Ang kakatawan ng HOME OWNER PARTYLIST sa KONGRESO kapag manalo ang mga ito sa pagsuporta ng mga botante sa darating na ELECTION 2022 ay sina HONORABLE LEIRA BUAN o “ATE LEI” na siyang 1st nominee at kasalukuyan itong aktibo bilang PRESIDENT CHAIRPERSON OF THE HOME OWNER ORGANIZATION.
Si ATE LEI ay dating nanungkulan bilang ASSISTANT SECRETARY FOR REGIONAL OPERATIONS ng DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) na kabilang sa kaniyang naging gampanin ang regulations sa Real Estate Development and Homeowner Associations.
Ang 2nd nominee ay si AIZEL BUENAVENTURA na isang CEO at OWNER ng isang FOOD FEST FRANCHISING CORPORATION.., at ang 3rd nominee ay si MARK JOEL.MORALES na ang.negisyo nito ay nakasentro sa trading at construction.
Dumalo sa launching bilang pagbibigay suporta sa HOME OWNER PARTYLIST si DHSUD SEC. EDUARDO DEL ROSARIO na aniya ay malaki ang maibabahagi sa sambayanan ang bagong tatag na partylist.., eto ay kung susuportahan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagboto upang mailuklok sa CONGRESS na makikita sa ika-6 na listahan ng mga PARTYLIST sa BALOTA.
Ang ARYA ay aasa sa HOME OWNER PARTYLIST na magiging kapakinabangan ito partikular sa hanay ng mga mahihirap na sektor.., na pangunahing problema ng mga buyer para sa mga pre-selling ng house and lot ay kapag nagkakaroon ng aberya sa pagbabayad ng equity o kaya ay nawalan ng trabaho kaya nahihinto sa pagbabayad ay hindi maaaring.maka,-refund dahil hindi nakumpleto ang paghuhulog sa loob ng 2-taon o pagkumpleto ng equity. Kung makompleto.man ang paghuhulog sa bayarin at nais na umurong o nais magrefund ay halos 30% ang nababawi sa mga naihulog.., at yan ay dahil sa isinasaad ng MACEDA LAW.., na pumapabor lamang sa DEVELOPER at PAGSASAYANG naman sa PERA NG BUYERS.
Hiling ng ARYA.., sana, maamyendahan ang MACEDA LAW.., na dapat, kung natigil sa paghuhulog ng equity ang BUYER dahil nawalan ng trabaho ay mabawi nito ang 90% sa kaniyang naihulog na bayarin.., dahil ang DEVELOPER ay wala pa namang ginagastos para sa BUYER.., ika nga, saka lamang gagastos ang DEVELOPER sa ipatatayong bahay kapag nakumpleto na ng BUYER ang kaniyang equity!
“Yan po ang Isa sa aming adyenda ang mabigyan ng proteksyon ang bawat home Owner. Kapag palarin po ay yan ang aming pagtutuunan at babalangkasin upang ma-ammend ang Magna Carta for HOA,” pagtitiyak ni 1st nominee ATE LEI sa naging katanungan at hilng ng ARYA para sa pagresolba sa dinaranas ng mga BUYER.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.