Advertisers
ITO ang binanggit ni Atty. Vic Rodriguez, ang Chief of Staff tagapagsalita ni presidential aspirant Bongbong Marcos (BBM), sa lingguhang ‘Meet the Press, Report to the Nation’ media forum ng National Press Club (NPC) regarding sa mga petition sa Comelec para i-disqualify sa Halalan ‘22 ang batang Marcos nitong Miyerkoles ng umaga.
“Iyang disqualification laban kay BBM ay panggulo nalang ‘yan, basura ‘yan. Malinaw naman sa desisyon ng Court of Appeals na there’s no perpetual disqualification imposed to BBM. Kaya hindi kami nababahala sa mga petition na yan,” diin ni Atty. Vic.
Tanong ko: Ilan bang DQ ang nakasampa sa Comelec laban kay BBM?
“Napakarami, Joey! pero sampu lang ang binilang ko,” sagot ni Atty. Vic.
Eh ano-ano ba ang laman ng mga argumento ng petitioners?
“Iisa lang naman… ang ‘di raw pagbayad ng ITR ni BBM. Eh binayaran na ito ni BBM. May resibo kami. Kaya basura ‘yang nga petition na ‘yan. Nuisance!”, sabi pa ni Atty. Vic.
Inaasahan ng kampo ni BBM na bago magsimula ang kampanya sa national sa Pebrero 8 ay makakapaglabas na ng desisyon ang Comelec sa mga naturang petition.
Kung sakaling hindi pabor ang desisyon laban kay BBM, mayroon pa aniyang Korte Suprema para sa final interpretation sa kaso.
At kung sakali naman na hindi papabor kay BBM ang hatol ng Korte Suprema, ang maaring pumalit kay BBM ay ang ka-apilyedo niya rin, mostly ay ang kanyang ate na si Senador Imee Marcos.
Ibinalita rin ni Atty. Vic na nakapaghatid na ng mga ayuda ang kampo ni BBM sa mga sinalanta ng bagyong Odette tulad ng Siargao, Leyte, Butuan, Negros Occidental, Masbate, Cebu, Surigao del Norte, at on the way narin ang para sa Palawan at Dinagat Island.
Sinabi ni Atty. Vic na hindi sila tumatanggap ng donasyong cash kundi puros goods lamang para sa mga sinalanta ng kalamidad. Ito’y upang maiwasan ang mga isyu ng pagbulsa sa donasyon. Yeah!
So, repapips… let’s wait nalang kung ano ang kahihinatnan ng mga petition laban sa kandidatura ni BBM. Bagama’t napakaraming eksperto sa batas, pero ang mga abogado ng Comelec lang ang may awtoridad para desisyunan ang kasong ito. Yes!!!
Merry Christmas po sa ating lahat. Sa Sabado na po ‘yan! Hehehe…
***
Mukhang si Atty. Alex Lopez na nga ang choice ng mga Manilenyo para kapalit ni Yorme Isko Moreno sa Mayo 22.
Sa mga natanggap kong text nitong Miyerkoles, 60 respondents, 30 rito kay “Lopez ako”. Nakabuntot si Vice Mayor Honey Lacuna na gusto ng 18 Manilenyo. Sumu-nod si Cristy Lim (7), Amado Bagatsing (3), Elmer Jamias (2).
Ang physical survey natin sa 6 districts ng Maynila ay nagsimula noong Disyembre 15 hanggang Disyembre 30. Na ang katunungan ay: ‘Sino sa mga kandidatong Mayor sa Maynila ang gusto nyong ipalit kay Yorme Isko sa darating na eleksyon sa Mayo 9, 2022?’
Dito sa kolum ko, mga suki, kung kayo ay taga-Maynila, sino ang bet nyo kina Lopez, Lacuna, Bagatsing Lim at Jamias? Txt me para mailabas natin ang bilang sa sunod na isyu ng kolum na ito. Mabuhay ang Manilenyo!!!