Advertisers
Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG)-Capiz , Capiz Emergency Response Teamat BFP-Panitan, sa 11-anyos na batang lalaki nang malunod sa ilog habang naglalaro sa balsa kasama ang kaibigan, sa Capiz, Martes ng hapon.
Kuwento ng 9-anyos na batang lalaki na itinago sa pangalang Burnok, sinamahan niya ang biktimang si Debdeb sa ilog para magtapon ng patay na hayop sa ilog na sakop ng Paslang Rivee, Brgy. Salocon, Panitan, Capiz.
Pagdating sa ilog, nakita nila ang balsa kaya nagkayayaan silang sumakay hanggang sa napunta sila sa malalim na bahagi ng ilog.
Sa takot nila, tumalon sila sa ilog para lumangoy pero hindi pala marunong lumangoy si Debdeb kaya nalunod ito.
Humingi naman ng tulong si Burnok sa kanyang ama para iahon si Debdeb at sinisid pa sa ilalim subali’t hindi na nila ito nakita pa.
Dahil dito, humingi na sila ng tulong sa mga awtoridad para sa paghahanap kay Debdeb.