Advertisers

Advertisers

99% ng mga pulitiko, personal na interest ang dahilan ng pagtakbo

0 494

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Kaya, huwag na huwag ninyong iisipin na ang kayamanan ninyo’y bunga ng sariling lakas at kakayahan. Subalit alalahanin ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang nagbibigay sa inyo ng lakas upang yumaman kayo…” (Deuteronomio 8:17-18, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

NUBENTA’Y NUEVE PORSIYENTO (99%) NG MGA PULITIKO, PANSARILI ANG DAHILAN KAYA TUMATAKBO SA MGA HALALAN: Nubenta’y nueve porsiyento, o siyamnapu’t siyam sa bawat isandaang pulitiko sa Pilipinas at sa mundo ang tumatakbo sa mga halalan sa bawat bansa “for selfish reasons” o para lamang sa layuning magkakaroon sila ng personal na biyaya at hindi para sa kapakanan ng bayan.



Ito ang walang kagatol-gatol at matapang na pagtaya ng isa sa mga kinikilala ngayong public relations expert, educator, at Bible scholar sa Pilipinas, si Ginoong Rod Cornejo, sa pang-Huwebes na pagtatanghal noong umaga ng Disyembre 23, 2021 ng daily radio-online morning show na 21 Minutos Mas o Menos.

Ayon kay Cornejo, “Ako ay naniniwala, wala sanang magalit, pero I believe this is a fact, I believe thatf 99 percent of politicians run for office for selfish reasons, 99 percent. Yung one percent, siguro, for love of country”. Paksa sa talakayan ng mga hosts ng 21 Minutos Mas o Menos noong Huwebes ang Preamble, o Paunang Salita, ng 1987 Constitution ng bansa.

Batay sa kasunduan ng mga hosts na sina United Methodist Church Bishop Rudy Juan, Pastor Jojo Gonzales, Atty. Noy Macatangay, Rod Cornejo, at ng inyong likod Atty. Batas Mauricio, punto ng talakayan ng 21 Minutos Mas o Menos ang Saligang Batas ng 1987 tuwing Huwebes.

***

SA DIYOS ISINASANDAL NG SALIGANG BATAS NG 1987 ANG PAG-UNLAD AT PAGBUTI NG BUHAY NG MGA PILIPINO: “I dare anybody to challenge me. I say 99% of politicians who run for office are in for their own, not for their country, not for their community,” dagdag pa ni Ginoong Cornejo. Agad namang kinatigan ito nina Pastor Jojo, Atty. Noy, at ng inyong lingkod, Atty. Batas Mauricio, batay na din sa ipinakikitang halimbawa ng maraming mga pulitiko, lalo na yung mga pulitikong Pilipino.



Kadalasan, nakikita sa mga pulitiko ang pagsusulong ng kanilang pansariling interest, o interest ng kanilang pamilya, at maging ng interest ng kanilang mga kaalyado o kapartido sa pulitiko.

Sa pananaw ng mga hosts, maliwanag ang pagtatakda ng Preamble ng 1987 Constitution, at ng lahat ng mga Preambles ng mga nakaraang Saligang Batas ng Pilipinas— 1973, 1935, at 1899 Constitutions—ang pagkilalang ang mga layunin para sa ikabubuti ng buong bansa at ng bawat Pilipino ay magkakatotoo o di kaya ay magaganap lamang kung agad na isaalang-alang ang pananampalataya sa Diyos sa mga pagkilos ng mga ahensiya at opisyales ng gobyerno.

Ang problema ng maraming mga pulitiko, ayon din sa mga hosts ng 21 Minutos Mas o Menos, lumalaki ang kanilang mga ulo matapos silang maluklok sa kapangyarihan.

***

MGA PULITIKO, YUMAYABANG AT KINAKALIMUTAN ANG DIYOS PAG NAILUKLOK NA SILA SA KAPANGYARIHAN: Kinakalimutan nila na ang Diyos ang nagluklok sa kanila sa kanilang mga posisyon, at may layunin ang Diyos sa pagluluklok Niyang ito. Nagkakaroon ng kaisipan ang mga pulitiko na may sarili silang talino at lakas, kaya sila nanalo, at sa kanilang pansariling lakas at talino na lamang sila sumasandal o nananangan.

Sa ganoong sitwasyon, umaabot hindi na lamang sa mga pulitikong lumaki ang ulo at natutong magyabang dahil sa kanilang mga posisyon ang mga sumpa ng Diyos. Maging ang buong bayan, at bawat mamamayan, ay sumasailalim din sa mga sumpa ng Diyos.

Ito ay dahil ang kanilang mga lider ay tumalikod sa Diyos, at sa halip ay sa diyos na lamang ng sanlibutan, sa diyablo, sila kumukuha ng lakas at kaisipan. Kaya naman maraming mga lider ang tiwali sa pondo ng bayan, nandarambong at nagnanakaw ng pera ng gobyerno, walang paggalang sa Diyos, at walang paggalang sa buhay ng kanilang nasasakupan.

Sa kabilang dako, lumitaw din sa talakayan sa 21 Minutos Mas o Menos noong Huwebes ang katotohanang ang masasama at tiwaling mga pinuno o mga lider o mga pulitiko sa isang bayan ay maituturing na parusa ng Diyos, sa sambayanang hindi na nakikinig at hindi na sumusunod sa Kaniyang mga utos.

***

MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.