Advertisers
Ni JOVI LLOZA
LABIS na kalungkutan ang nadarama ni Andi Eigenmann nang akusahan ang kanyang mister na si Philmar Alipayo ng stealing or pangungupit.
Masakit sa dibdib ang feeling ni Andi sa pagbibintang sa kanyang mister.
Nagbalik Siargao sila mag-anak para tumulong sa mga kababayan na naapektuhan at sinalanta ng bagyong Odette.
Pagdidiin pa nga ni Andi na may sariling pera ang kanyang mister na si Philmar kaya may K itong tumulong sa kanyang kababayan.
Kaya labis ang kalungkutan ng esmi ni Philmar na si Andi.
Inulit-ulit nga ni Andi na may sariling pera ang kanyang mister kaya carry nitong tumulong.
At pinagdiinan ni Andi na never ginagalaw ng mister ang mga tulong na nakararating sa mga naapektuhan ng super typhoon.
Nang bumayo ang bagyong Odette sa kabisayahan ay sinentro nitong padapain ang Siargao.
Timing naman na wala sila sa nasabing lalawigan nang umatake si Odette.
Pinabulaanan naman ni Andi na walang katotohanan ang ibinabatong intriga kay Philmar.
At wish naman nito na tigilan na ang pag-iintriga sa mister.
***
Bea kinabog na ni Miles Ocampo sa pagiging leading lady ni Lloydie
KUNG dati ay suking-suki si Bea Alonzo na maging leading lady ni John Lloyd Cruz sa mga nagkaraang projects, mukhang sumubok na nga ang management ng Kapuso na ipareha si Lloydie sa aktres na si Miles Ocampo.
Lloydie-Miles na ba kaya ang niluluto na tandem para sa bagong project ng dalawa. At wala naman masama sa pag-eexperiment ng Kapuso kung kanino ipapareha si Lloydie.
Tila natagpuan na nila sa katauhan ni Miles ang bagong leading lady ni John Lloyd na paborito dati ay si Bea.
For a change naman at look ang result sa bagong project na pagsasamahan nina Miles at Lloydie.
Paano raw pag ‘di nag-click ang pagsasama nina Lloydie at Miles balik Bea at John Lloyd na ulit.
Well, well, well…’Yun na!