Advertisers
Ni BETH GELENA
PINAGTRIPAN ng netizens ang collage pictures ng partners nina Bea Alonzo-Dominic Roque at Gerald Anderson-Julia Barretto kung sino ang much better between them as a partners.
First comment, mas bagay si Julia at Dominic”
Susog naman ng isa, “Dahil hindi raw kasi nagkakayo ang edad ng dalawa.
They used to be super close. Julia calls Doms her kuya. Pero no longer friends nung naging si Bea at Doms.”
“Mas bagay talaga !”
Ang isa naman ay na-capture ang paghalik ni Dom sa pisngi ni Bea.
“Ang cute ni PapaDOM sa kanyang GIGIL KISS.”
“Queen B and papa Dom syempre. Loveeeeee it.😊”
“julia and gerald. 🖤”
Kaya lang may pumuna, “Bakit black heart??”
“Jusko si Bea nahawa na sa pabebe smile ni Dom. Si Julia and Gerald did it better!”
“mas ramdam ko ang jujurald”
May nagtanong ng “bakit?”
May sumagot, “Pa cute si anti”
Hahaha. Heto naman ang nakakaaliw na komento, “Ang mag tita at ang mag-ama”
“Ahahahaha bwisit ka natawa ko tlga”
“The Best Comment ito!! For the win!”
“Jurald na lang. Naiirita talaga ako sa pabebe pout ni Bea”
Sa larawan kasi habang sobrang gigil ni Dom sa.paghalik kay Bea, halata namang nakatingin ang huli sa kamera habang naka-pout ang kanyang lips.
“Parang staged, hindi natural yung kina dom & bea kasi masyadong conscious sa kamera si bea & parang nakaligtaan or naubusan ng time si bea na magpa wax, laser, or threading ng bigote. Kaya sina gerald & julia ang panalo dito”
“actually, it’s reverse for me, bea is aware of the camera kaya nagpapacute or whatever, so not staged. Julia kunyari stolen shot at may pa peaceful aura pa eme”
“Mas natural yung selfie nila Julia at Gerald.”
“Jusko Pati ba nman sa kissing photo, patalbugan rin? Hahaha”
“”Jusko Bea stop making that face it’s so annoying 😂”
“Judoy. Kasi feel na feel ni Julia but ang creepy ni Gerald tlaga. 😂 Kay Bea nman lagi tlaga syang camera conscious pero ang pogi ni Dom. 😁”
“Julia. Hindi natural kay bea, masyadong pabebe.”
“Hindi natural kay Bea, parang show off lang para ipakitang ok na sya”
“Winner sila Chulya at Budoy dito”
“Wala. Umay pareho tong mga attention seekers na to na gustong may patunayan lagi.”
“Bakit laging naka pout si Bea? Or duck face ba yan?”
“Ang mature tingnan ni Bea dito. Saka mukhang di rin natural mag project.
Ano po ang masasabi nyo my dear readers?”
***
Nakakasawa na raw ang content sa YouTube
IVANA SABIK NANG MAPANOOD SA TV
MARAMI na rin ang naka-miss sa number one Youtuber-sexy actress na si Ivana Alawi.
Kaya naman nagalak ang kanyang fans nang mapanood si Ivana na kasama sa ABS-CBN Christmas Special na Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa na ginanap last December 18.
Sa FPJ’s Ang Probinsyano unang umapir si Ivana nung 2018.
Agad itong nasundan 2019 ng Mea Culpa Sino Ang May Sala?”
After that ay hindi na nasundan ang paggawa niya ng TV program dahil nagkaroon na ng Pandemya.
Much more ay sa YuoTube channel na siya napapanood ng mga tagahanga.
Dapat ay ilo-launch na siya ng Kapamilya na siya na ang lead actress, nag-walkout si Ivana dahil mas inisip niya ang kanyang kalusugan kesa ang maglock-in taping.
Ngayong maluwag-luwag na rin ang pandemya masayang binalita ni Ivana na muli raw siyang babalik sa paggawa ng teleserye.
Masaya rin niyang ibinalita na still Kapamilya pa tin siya kahit inactive sa paggawa ng proyekto.
Sa Christmas Special ng Kapamilya, Ivana “Imahe” alongside Kapamilya leading men Gerald Anderson at Sam Milby.
Sa IG ni Ivana, may sinulat siyang “New teleserye soon.”
Komento ng million followers ni Ivana, at “last mapapanood na uli si Idol Ivana na umaarte.”
“Oo nga minsan kasi nakakasawa na rin siyang panoorin sa kanyang YT channel. Wala na rin kasing hanash ang mga content niya”
“She’s a good actress kaya dapat lang na umarte siyang muli.”
***
ANDI AT PHILMAR NANLUMO SA SINAPIT NG KANILANG ‘HAPPY HOUSE’
ISA sa tinamaan ng delubyong Odette ay ang Siargao island na doon na naka-base ang mahusay na aktres na si Andi Eigenmann.
Nagdesisyon si Andi na iwan ang showbiz dahil sa pagmamahal sa non-showbiz guy na si Philmar Alipayo.
Kilala rin naman si Philmar na isang sikat na personalidad.sa larangan ng sports.
Isa siyang international surfer na nakapag-uwi na rin ng karangalan sa Pinas.
Nitong nakaraang Linggo naghasik ng lagim si Odette sa parteng Bisaya.
Isa ang Siargao na tinamaan.
Agad lumikas sina Andi at Philmar kasama ang tatlong anak sa kanilang tirahan na malapit sa dagat.
Nang bumalik sa kanilang tirahan, nanlumo ang mag-partner dahil ang iniwang maayos na bahay ay saglit na winasak ng Super Typhoon na si Odette.
Agad na kinunan ng larawan ni Philmar ang nawasak nilang ‘happy home’ at ipinost sa kanyang IG account.
Ang fiancee naman niyang si Andi ay agad na tumulong at mag-assist sa mga kababayang nasalanta ni Odette.
Nilagyan naman ni Philmar ng sad face emoji ang kuhang larawan at sinulatan ng “first photo back home.”
Aside from Philmar’s post, may mga celebrities na nag-repost ng kuhang larawan ni Philmar.
Ang isa dito ay ang brodkaster na si Karen Davila.
Nirepost niya ang kuhang larawan ni Philmar at maging ang ibang lugar tulad sa Cebu at nanawagan siya ng tulong para sa mga nasalanta.
Ang actress-philanthropist na si Angel Locsin ay nagpost naman ng mga necessities para sa mga nasalanta ni Odette sa Siargao.