Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA halos 14 years ni Kris Bernal sa showbiz ay ngayon lang niya napagtanto at tila naging isa sa dahilan kung bakit hindi na siya nabigyan ng panibagong kontrata ng kanyang mother network, ang Kapuso Network, ay tila nakukulangan siya sa pagiging aktres niya at hindi pa rin siya nakatanggap ng acting award. Say pa rin ni Kris, halos taon-taon ay binibigyan siya ng magagandang teleserye ng GMA 7 at hinahamon ang kanyang kakayahan sa pag-arte ay pulos nomination lang daw ang kanyang natatanggap sa mga award-giving bodies. Kapuna-puna rin na kung may gagawin siyang movie ay one of those lang ang kanyang character kaya pangarap talaga ni Kris na magkaroon ng matatawag niyang sariling pelikula.
“For me lang kasi, parang ang tagal ko na sa showbiz. Let’s say 13 to 14 years, so parang naisip ko na I never had quality movies. Gusto kong mag-movies. Always akong TV actress.
At saka sa dinami-dami rin ng ginagawa kong shows, like every year may teleserye ako never pa akong nanalo ng best actress award. That’s a dream,” say ni Kris.
Sa ngayon ay isa si Kris cast ng sa legal crime series na “Artikulo 247” na kasama n’ya sina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Mark Herras, at iba pa.
***
AMINADO ang bidang babae sa movie na “Crush Kong Curly” na si AJ Raval katambal ang dating Hashtag member na si Wilbert Ross, under Viva Films, na sa sunud-sunod na isyung kinabit sa kanya ay ‘di niya kineri ang mga ito na naging sanhi kaya raw feeling niya ay may mental breakdown na siya pagkatapos siyang akusaan na mang-aagaw at kuyugin ng bad comments sa social media.
Kaya nanahimik na muna si AJ at toxic na ang dating sa kanya ng social media. Sa pananahimik ni AJ dumating na kaya siya sa punto na nagpakonsulta siya sa isang psychiatrist?
“Hindi pa naman kailangan so far,” say ni AJ
Pero pumasok kaya ito sa isipan ng sexy young actress na komunsulta na isang propesyonal para sa kanyang mental health issue?
“Parang ako rin po ang tumulong sa sarili ko. Ang dami ko po nagawa ever since nag-social media detox ako. Nilibang ko ang sarili ko. Nakalipat po ako ng bagong bahay, nakabili ako ng bagong sasakyan.
Dini-divert ko na lang ang negative to positive. In that way, nagse-self improve din ako,” dagdag pang say ni AJ.