Advertisers

Advertisers

No.1 provincial top most wanted nalambat sa Malabon

0 511

Advertisers

NASAKOTE sa manhunt operation sa Malabon City ang No. 1 provincial top most wanted person sa kasong Rape sa Eastern Samar.

Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) chief Lt. Colonel Jay Dimaandal kay Northern Police District (NPD) director Brig. General Jose Santiago Hidalgo Jr, kinilala ang naaresto na si Christian Quilim, 42 anyos, tubong Eastern Samar at residente ng David Santos St., Malabon City.

Ayon kay DSOU investigator Cpl. Josefino Estacio II, nakatanggap ang DSOU ng impormasyon mula sa impormante ng NDIT, RIU NCR na nakita ang akusado sa San Agustin St.. kaya agad nag-dispatch ng mga operatiba sa lugar si Lt. Col. Dimaandal at naaresto ang target 2:50 ng hapon sa San Bartolome Church.



Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Filotea Estorninos, Presiding Judge ng RTC 8th Judicial Region Dolores Eastern Samar para sa kasong Rape .

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente ng panghahalay noong 2005 sa Brgy. Carolina, Can Avid, Eastern Samar nang lasingin ng akusado ang 17-anyos na biktima na itinago sa pangalang “Katrina”.