Advertisers
CENTRAL MINDANAO – Nawalan ng preno at bumangga sa bahay ang isang D4D van sa probinsya ng Cotabato.
Ang mga biktima mga guro ng Cotabato State University at ang driver nito.
Ayon kay Alamada Chief of Police Major Bryan Espinosa, galing ang mga guro sa Bukidnon at pauwi na sana ng Cotabato City.
Ngunit pagsapit ng van sa Barangay Barangiran Alamada Cotabato, biglang nag-malfunction ang brake nito at bumangga sa isang bahay.
Maswerte namang nakaligtas ang mga nakatira sa loob ng bahay.
Agad dinala ang mga sugatan sa pagamutan at anim sa kanila nakalabas na.
Matatandaan na ilang vehicular accident na ang nangyari sa matarik na kalsada sa bahagi ng Brgy Barangiran sa bayan ng Alamada.
Mahigpit ang paalala ni Major Espinosa sa mga dadaan sa naturang lugar na mag doble ingat at mag dahan-dahan upang aksidente ay maiwasan.