Advertisers

Advertisers

PANAWAGAN NI GO DAPAT MAIPASA ANG DDR ACT

0 229

Advertisers

Sa pananalasa ng mga kalamidad at iba pang natural disasters sa ating bansa ay ipinanawagan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpasa para sa Senate Bill No. 205, o ang “Department of Disaster Resilience (DDR) Act.”

Sa kaniyang video message nitong nakaraang Sabado, December 11 sa isinagawang pamimigay ng mga ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Ursula sa Madridejos ay iginiit ni Go ang kahalagahan sa paglikha ng departamento na magsesentro para sa natural disasters.

“Bago dumating ang bagyo, preposition of goods, coordination with LGUs, dapat dalhin ang ating mga kababayan sa mga safe na lugar. At pag-alis ng bagyo, restoration of normalcy agad,” saad ni Go.



“Rehabilitation, para makabalik agad sa normal na pamumuhay ang ating mga kababayan na tinamaan ng bagyo,” dagdag pa nito.

Ang SBN 205 na inisponsoran ni Go noong 2019 ay isa sa mga legislative priority measures na binanggit ni President Rodrigo Duterte sa kaniyang naging panghuling State of the Nation Address. Ang naturang bill ang tutuon para sa lahat ng mga responsibilidad hinggil sa disaster preparedness and response, functions na kasalukuyang nakatatag sa iba’t ibang departamento at.mga tanggapan.

Ang koponan ni Go ay nagsagawa ng relief operation sa Madridejos Cultural Center na istriktong ipinairal ang safety and health protocols laban sa COVID-19.

Pinag-gogrupo ang 1,932 typhoon victims sa mas maliliit na bilang na pinagbibigyan ng grocery packs, snacks at masks. Namahagi rin ng new pairs of shoes, computer tablets at bicycles sa mga piling residente.

Ang mga kinatawan mula sa National Housing Authority ay namahagi rin ng housing assistance sa mga biktima at ang Department of Trade and Industry gayundin ang Technical Education and Skills Development Authority ay nagsagawa ng assessment sa mga potential beneficiaries para sa kanilang livelihood at scholarship programs.



Bilang Chair ng Senate Committee on Health ay hinikayat ni Go ang may mga medical concerns na magpaasiste ang mga ito sa alinman sa 6 na Malasakit Centers ng naturang probinsiya.

Noong 2018 ay naitayo ang unang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City, na naglalayong pantulong sa mga mahihirap at indigent patients para sa medical assistance programs ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation at ang Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Walay gipili ang Malasakit Center. Basta Pilipino ka, qualified ka sa Malasakit Center. Para ni sa tanang pobre ug kabus nga pasyente. Para sa inyo na,” pahayag ni Go.

(“Wala pong pinipili ang Malasakit Center. Basta Pilipino ka, qualified ka po sa Malasakit Center. Para po ‘yan sa poor and indigent patients. Inyo po ‘yan.”)

“Kung nag kinahanglan mog tabang sa Heart Center sa Maynila, pagsulti lang mo kay tabangan mo namo. Kami na ang motubag sa inyong pagpaospital kung kinahanglan gyud dad-on sa Maynila,” he added.

(“Kung kailangan n’yo po ng tulong sa Heart Center sa Maynila, magsabi lang ho kayo. Tutulungan ho namin kayo. Kami na ho ang sasagot sa inyong pagpapaospital kung kakailanganin pong dalhin sa Maynila.”)

Ang ibang Malasakit Centers sa Cebu ay matatagoian sa Talisay District Hospital ng Talisay City, St. Anthony Mother and Child Hospital sa Cebu City, Eversley Childs Sanitarium Hospital ng Mandaue City, Lapu-Lapu City District Hospital, at Cebu Provincial Hospital ng Carcar City.

Pinaalalahanan ni Go ang publiko na manatiling sumunod sa mga direktiba laban sa COVID-19. Tiniyak nito na magpapatuloy ang gobyerno na mabigyan ng vaccines ang bawat Filipino para makamit ang herd immunity.

“Patuloy ang pagbakuna, pero ang pakiusap lang namin sa inyo ay mag-ingat at huwag makumpiyansa. Hindi gusto ng gobyerno na palagi ang pag-ECQ dahil sobrang hirap ng panahon ngayon, maraming apektado at marami ang nawalan ng trabaho,” pagpapahayag ni Go.

“Mga kababayan, disiplina at kooperasyon ang kailangan. Kung hindi kailangan ay ‘wag muna lumabas ng pamamahay dahil delikado pa. Ang importante ay ating makamtan ang population protection at herd immunity para hindi na kumalat ang sakit na COVID-19,” pagpapatuloy pa nito.

Bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance ay nanatili pa rin kay Go ang pagsuporta sa iba’t ibang infrastructure initiatives sa naturang probinsiya.

Sinuportahan kamakailan ni Go ang construction ng multipurpose buildings sa Bantayan Island, Barili, Cordova, Ginatilan, Pilar, Tabogon at Talisay City; improvement of existing roads sa Alcantara, Alcoy, Alegria, Asturias, Balamban, Boljoon, Borbon, Carmen, Madridejos, Malabuyoc, Minglanilla, Moalboal, Pinamungajan, Sibonga, Sogod, Tabogon, Tabuelan, Carcar City at Naga City; improvement ng flood mitigation structures sa Catmon at Tuburan; installation ng street lights sa Asturias, Compostela at Daanbantayan; at ang acquisition ng ambulance units sa Madridejos at Naga City.

Bilang pagtatapos ay pinarangalan ni Go sina Representative Janice Salimbangon, Governor Gwendolyn “Gwen” Garcia, Vice Governor Hilario “Junjun” Davide III, Mayor Salvador dela Fuente, Vice Mayor Jay River Dela Fuente at iba pang local officials sa kanilang mga pagseserbisyo.

Ang koponan ni Go ay umasiste sa fire and landslide victims sa Daanbantayan at Talisay City noong December 7 at 11.