Advertisers

Advertisers

2 bebot utas sa ‘killer van’

0 280

Advertisers

NASAWI ang dalawang babaeng pedestrians at isa pa ang sugatan nang araruhin ng rumaragasang van sa may Aurora Boulevard sa Pasay City sa mismong araw ng Pasko.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Mariel Magtunao at Imelda Cupo, habang sugatan ang isa pang lalaki na hindi pa tukoy ang pangalan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente na naganap 3:00 ng madaling araw para matukoy ang pagkakilanlan ng salarin na hinihinalang lasing na nagmamaneho ng isang Nissan van.



Sa report, naglalakad ang tatlong dalagita sa ilalim ng overpass para bumili ng yelo nang unang masagasaan si Magtunao habang ang dalawa niyang kasama ay tumilapon nang araruhin ng van.

Tiyempo ring dumaraan sa lugar ang isang motorsiklo na niragasa din ng van at tumilapon ang sakay nito.

Imbes na tulungan ang kanyang mga naging biktima, humarurot papatakas ang driver ng van.

Tumakas ang van na naiwan pa ang nakalas na bumper ng kanyang sasakyan.

Ayon sa barangay personnel na si Nestor Millos na unang rumesponde sa aksidente, patay ang dalawang babae habang naisugod agad sa ospital ang lalaking biktima.



Kuwento ng ilang tricycle drivers na nakaparada sa gilid ng kalsada kungsaan malapit ang pangyayari, mabilis ang patakbo ng driver ng van at muntikan din silang mahagip nito.

Ayon kay Pasay Traffic supervisor Jun Payumo, posibleng lasing ang driver ng van dahil pagewang-gewang at napakatulin ng takbo nito, batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV). (Gaynor Bonilla)