Bukod sa star-studded na endorsers, Matagumpay na Beautederm sellers tunay na tropeo ni Ms. Rhea Tan
Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
ANG Beautederm ay kilala sa pagkakaroon ng star-studded na endorsers. Ang ilan sa A-List endorsers ng Beautéderm ay sina Marian Rivera, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Sylvia Sanchez, Korina Sanchez, Piolo Pascual, Christopher de Leon, Bea Alonzo, Dingdong Dantes, Carlo Aquino, at marami pa.
Ang latest endorsers ng bago nitong produkto na Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay sina Maja Salvador, Andrea Brillantes, at Jelai Andres.
Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay binubuo ng pitong FDA-compliant at all-natural health supplements na kinabibilangan ng Kenzen Z Plus (Immunity Booster); Kenzen MeMax (Memory Booster), Kenzen VivaGen (Energy Booster); Reiko PrestoSol (Sun Protection Enhancer); Reiko Fitox (Digestion Enhancer); Reiko Slimaxine (Diet Enhancer); at Reiko SomNest (Sleep Enhancer) na puwede sa kabataan at adults na edad 18 years old pataas.
Bukod sa kilala sa pagiging effective kaya lalong humataw ang sales ng Beautéderm kahit pandemic, ang isa pang maipagmamalaki ng kompanya ay ang kanilang sellers na marami na ang sobrang mayayaman.
Nang usisain ang CEO at President nitong si Ms. Rhea Anicoche Tan kung magdadagdag pa ng endorser, tiniyak niyang sa pagpasok ng 2022 ay marami pang magiging celebrity endorsers ang Beautederm, na isa ngayon sa nangunguna sa beauty and wellness industry sa bansa.
Saad ni Ms. Rhea, “Ilan na ba ang endorser natin, parang nawala na yata ako, parang may road to 100 yata ako? At hindi lang parang nag-eenjoy or what, pero gusto ko lang i-share ang blessings na nangyari man ang pandemya, hindi ba nagla-launch tayo ng new ambassadors, nag-oopen tayo ng new stores kahit na pandemic.
“So, maraming bagay na dapat tayong maging grateful. Kaya gusto kong i-share din iyon at bigyan ng marami pang trabaho ang kasama natin sa idustriya. Hindi lang sa industriyang ito, para mas marami pang buhay ang mabago.
“Kasi I’m very proud to say na hindi lang ako ang gumanda ang buhay, alam ko na lahat ng sellers ko ay maraming sobrang mayayaman na talaga at sila ang aking tunay na tropeo. At hanggang nandito tayo ay magpapalaganap tayo ng tunay na kagandahan at kabutihan.”
Higit isang taon ang iginugol nina Ms. Rhea kasama ang kanyang team sa Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters upang masiguro ang holistic health na mahalaga upang mabuhay at magtagumpay lalo na ngayon na kailangan ng malusog na katawan at pag-iisip upang malagpasan ang global health crisis.
Paliwanag ni Ms. Rhea, “We have been working on Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters for a very long time and now that it is finally here, worth the wait talaga. Bago pa man ang pandemic, very conscious na ako sa aking kalusugan and now more than ever, we all need to strengthen our immune system in order to survive, to work hard for our families and loved ones.”