Advertisers

Advertisers

Jaclyn kayang ipagpalit ang mga anak sa trabaho

0 410

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA huntahan sa vlog ng talent-manager turned vlogger Ogie Diaz, naibahagi ng Cannes award-winning actress ang kanyang pinagdaanan bilang artista.

Aniya, wala raw talaga siyang hilig mag-artista kundi ang ina niya ang pursigido siyang mag-showbiz.



Breadwinner daw sa pamilya noon ang kapatid niyang si Veronica Jones.

Pero nang lumaon daw, pagkatapos ng kanyang break sa pelikulang “Chikas”, nagtuluy-tuloy na raw siya.

Siya na rin daw ang sumalo ng responsibilidad ng pamilya nang mag-lie low sa showbiz ang kanyang ate.

Nang manalo raw siya ng Urian best actress para sa pelikulang “Takaw Tukso”, naging daan daw ito para makatrabaho niya ang mga batikan at award-winning director tulad nina Brocka, Rono, Lamangan at iba pa.

Aniya, minahal daw niya ang kanyang craft at kung papipiliin daw siya, kaya niyang ipagpalit sa kanyang karera ang kanyang mga anak.



Katuwiran niya, paano raw niya ipagpapalit ang propesyong bumubuhay sa kanyang pamilya.

Sa naturang vlog, ibinahagi rin niya na never daw siyang humingi ng sustento sa mga ama ng kanyang anak, not unless na magkukusa ang mga ito.

Namatay din daw ang yumaong actor na si Mark Gil, ama ni Andi, na never silang nag-uusap.

Pinalaki rin daw independent ang kanyang mga anak para maagang matuto sa buhay.

Sey pa niya, sobrang proud daw siya sa kanyang anak na si Andi Eigenmann dahil kaya nitong isakripisyo ang lahat para sa kanyang pamilya.

Tinalikuran daw nito ang karangyaan at niyakap ang simpleng pamumuhay para lamang sa kanyang pamilya sa Siargao na para sa kanya ay hindi niya kayang gawin.