Advertisers

Advertisers

Sandara wish na makabalik at makapag-perform ulit sa Pinas

0 480

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

BUWAN ng Disyembre nang tuluyan na ngang ‘iwan’ ni AiAi delas Alas ang bansang Pilipinas para makapiling ang asawang si Gerald Sibayan na kasalukuyan ay nasa Amerika na naka-base. Say nga ni AiAi sa kanyang post kamakailan na bakasyon lang ang puntirya niya sa pagpunta sa America at babalik din sa Pinas.

Pero kung susuriin mabuti ayon na rin sa kanyang pinakahuling panayam bago tumulak paalis ng bansa ay sinabi ni AiAi na gagampanan na muna niya ang kanyang tungkulin bilang asawa ni Gerald at bubuo ng isang pamilya thru surrogacy. Say pa rin ni Aiai para ano pa na may asawa siya pero magkahiwalay naman sila.



Bukod sa nabanggit na dahilan ni AiAi ay nasabi rin niya na last 2015 pa siya nagrant ng green card at residency sa Amerika pero hindi raw niya ito naaasikaso, kaya sa kanyang pagbalik sa US ay ito naman ang kanyang bibigyan ng pansin at pati na rin ang pag-apila niya para sa US citizenship din ng kanyang mister.

Sinabi rin ni AiAi na andito pa rin sa Pinas ang kanyang ina na matanda at kailangan niya rin itong dalaw-dalawin.

First time rin ni AiAi na magselebreyt ng Kapaskuhan sa Amerika at inamin ng aktres na nakaramdam siya ng  kalungkutan nang ipost niya ang isang larawan kasama ang mister.

‘First time na:

Mag-Christmas sa Ashburn, Virginia



Magsimba sa St. Theresa Church

Mag-Christmas na 2 lang kami

At first time na maglugay ako ng buhok habang magma-mass…semi cavewoman na ‘yung buhaghag kong buhok hahaha

HAPPY PASKO.”

***

KAHIT sa Korea na namamalagi ang 37 years old na ngayong winner ng Star Circle Quest 2004 na si Sandara Park ay nagpabalik-balik siya lagi sa Pilipinas para sa ilang shows na kanyang tinatanggap para makatuntong muli sa bansang kinalakihan.

Pero nang tamaan ng pandemya ang buong mundo ay naapektuhan ang tila nakasanayan na ni Sandara na pagdalaw taun-taon sa Pilipinas. Halos dalawang taon na raw niyang nami-miss  ang bansa at ngayong holiday season, wish ni Sandara ay muling makabisita sa Pinas at gumawa ng show para sa kanyang solid followers.

Sa kanyang social media account ay ibinuhos ni Sandara ang kanyang saloobin.

“Two years na ako hindi nakapunta sa Philippines. Kelan ba last show ko sa Phil?! Parang ‘di ko na naalala.

“Ang Christmas wish ko is to go back to the Phils. and be onstage again with youguys,” saad ni Sandara sa kanyang twitter account.