Advertisers

Advertisers

TNT kinuha si Aaron Fuller kapalit ni McKenzie Moore

0 207

Advertisers

KINUHA ng TNT Tropang Giga ang serbisyo ni Aaron Fuller bilang kapalit ng injured na si McKenzie Moore para sa nagpapatuloy na 2021 PBA Governors Cup.

Sinabi ng source na si Fuller ay dumating sa Manila Araw ng pasko at agad dumiretso sa quarantine facility para sa IATF protocols bago pahintulutan na makasali sa praktis ng Tropang Giga.

Si More y inaasahang lilipad patungong United States ngayon Linggo upang ipasuri ang injured MCL.



Fuller, 32, ay naglaro ng college basketball sa University of Lowa at sa University of Southern California (USC) pero naging undrafted sa 2013 NBA draft.

Ang 6-foot-6, 235- pound forward ay may malawak na international career kabilang ang paglaro sa Portugal,New Zealand,I srael,Luxembourg, at Mexico kung saan siya nag-averaged ng 7.1 points,3.2 rebounds at 0.6 assists per game.

Si Fuller ay hindi na bagito sa PBA fans, naglaro siya sa NLEX Road Warriors noong 2017 at 2018, at sa Blackater Elite 2019.