Advertisers

Advertisers

Andray Blatche sa PBA?

0 392

Advertisers

Nag-tweet ang dating reinforcement ng Gilas Pilipinas na si Andray Blatche na nais raw niyang maglaro sa PBA.

Kaso ang mga naturalized na mga player ay import pa rin ang turing sa lokal na liga. Tapos 6″11 ang taas ni Blatche kaya dapat unlimited ang height ng mga Kano para pwede siya.

Isa pa ay 35 anos na siya kaya may katandaan na rin. Way past sa prime nya. Hindi naman siya si Lebron James, ano?



***

Sobrang malas ng Lakers ngayon. Limang sunod na talo na kaya 16-18 na kartada nila sa Western Conference. Worst na yang 5-game losing streak sa ngayon.

Bukod kasi sa injuries kina Anthony Davis at mga player na bahagi ng rotation ni Coach Frank Vogel ay ilan ding cager nasama sa listahan ng health at safety protocol ng NBA. Mismo nga si Vogel napabilang sa talaan.

Kaso eka ni Pepeng Kirat ay ganoon din ang problema ng ibang koponan. Ang Milwaukee nakakabawi na nguni’t ang Dallas pasadsad pa rin.

Bukas katunggali ng LA ang Houston (10-23) na kulelat sa standings sa pangkat nila. Kapag naolat pa sila ay bye-bye na sa kampeonato o sa playoffs pa lang hindi sila makakapasok.



Mali raw talaga sabi ni Pepe ang pagkuha kay Russell Westbrook. Kailangan daw i-trade na kung may interesado pang prangkisa dahil sa taas ng sahod at edad ng numero zero.

***

May ulat na nakarating sa atin na nagpadala ng tulong si Benjie Paras sa mga biktima ni Odette sa pamamagitan ng Leni Volunteers Center sa Katipunan sa QC.

Ayon sa ating bibwit sa LVC ay hindi naman ang Tower of Power ang nagdala ng ayudang diapers, canned goods at iba pa.

Pinasabi lang daw na galing sa ama nina Kobe at Andre. Kailangan kasi i-fill-out ang form na magsasaad kanino galing, address ng naghandog, mga item at halaga ng mga ito, Dapat documented at nang ma—account nang maayos ang lahat.

Mga alas nuebe pasado ng umaga kahapon nang hinatid ang mga donation.

Sana marami pang basketbolista ang gumaya sa mabuting halimbawa ng produkto ng San Beda at UP.

Ang mga kababayan natin sa Visayas ay grabe inabot na pinsala sa nagdaang malakas na bagyo. Pati Surigao at Palawan nahagip din. Yung iba sa kanila nanlilimos na ng pagkain at tubig. Tapos hindi pa naibabalik ang kuryente sa ilang lugar.