Advertisers
Ni BETH GELENA
I watched Bela Padilla’s channel.
Nag-open ang aktres sa kanyang Twitter account na pwede siyang tanungin about why she moved in UK.
Sinagot ni Bela ang Q & A kung saan nakaupo siya sa isang bench sa The Postman Park.
July nang umalis si Bela ng Pinas at manirahan sa London.
Ang isang question sa kanya ay kung ano ang favorite place niya sa UK.
Favorite place raw niya ay ang Holland Park na malapit daw sa kanyang tinitirhan.
Since doon na siya naninirahan, nagrent daw siya ng apartment, nag-open ng bank account at nag paregistered ng kanyang name.
Ayon pa kay Bela, hindi naman daw niya tuluyang iiwanan ang Pilipinas, tuloy pa rin daw ang kanyang pag-aartista.
As an independent person, ang dami raw huge changes na nagyari sa kanya.
Noon pa naman daw ay sinasabi na niya sa kanyang mga kaibigan ang kanyang dream na mag-explore in some places.
Kaya raw ba siya.nag-move sa London dahil naroroon ang boyfriend niyang si Norman Bay.
Klinaro niya na hindi si Norman ang dahilan kaya siya nag-move sa UK.
Taga-Switzerland daw si Norman, and she did not move just to see Norman may mga reasons daw siya kaya lumipat sa UK.
Sa huli, sinabi ni Bela na hindi siya buntis at hindi sila nagpakasal ng boyfriend.
Nababasa raw kasi niya sa kanyang Instagram na siya ay buntis.
Kaya raw siya umalis dahil preggy siya.
Aniya: “I am not pregnant and I’m not married.”
Sa mga kaibigang sina Danni Barretto at Kim Chiu siya nakakuha ng mga balita about showbiz.
Dapat ay 2020 pa raw siya umalis patungong London pero dahil sa pandemic kaya hindi siya natuloy.
But luckily nakapagdirek siya ng kanyang first directorial job, ang 366 na babalik siya ng Pinas sa promotion ng kanyang movie.
***
Binuking ni Kris
ANGEL MILYON ANG NAITULONG SA BAGYONG ODETTE
REAL Darna talaga ang actress-philanthropist na si Angel Locsin.
Kada may trahedyang nangyayari ay nariyan siya agad para magbigay ng tulong sa kanyang kapwa.
Kamakailan nga lang ay naibalitang ang Kapamilya aktres ay nag-ambag ng malaking halaga sa mga nasalanta ng Super Typhoon Odette.
Personal niyang iniabot sa aspiring president Leni Robredo ang malaking halaga.
Si Kris Aquino mismo ang nagsabi ng amount kung magkano ang ibinigay ni Angel.
Nakunan ng larawan ang personal.na pagpunta sa VP Leni Robredo’s Volunteer Center sa Quezon City.
Ang nabanggit na larawan ni Angel habang bumababa sa kanyang sasakyan ay nag-viral agad sa social media.
Maririnig ang boses Kris na nagsasalita sa harap ng mga evacuees.
Aniya, “Nagbigay po si Angel Locsin ng P2 million kay VP Leni para po pantulong sa lahat ng nasalanta.”
Personal tumungo sa Leni Robredo Volunteer Center sa Katipunan Avenue, Quezon city para iabot ang kanyang donasyon para sa mga biktima ng bagyo.
Katuwang din ng dalawang celebrity influencer ang kani-kanilang partner sa buhay.