Advertisers

Advertisers

Lalaki huli sa kotong sa ex-gf

0 388

Advertisers

SORSOGON CITY – Dinakip ang isang 21-anyos na lalaki sa pananakot na ilalabas sa social media ang video na may maseselang mga tagpo at pangongotong sa dating nobya sa entrapment operation sa West District, Sorsogon City.

Kinilala ang dinakip na si Joshua Enalfe Belen, binata, walang trabaho at naninirahan sa SPPVS Brgy Bibincahan, East District ng nasabing lungsod.

Sa ulat, isinagawa ang entrapment operations sa Purok 2, Barangay Bitan-o Dalipay.



Ang pagdakip bay ase sa reklamo ng 23-anyos na dalaga sa Women and Protection Desk nang makatanggap ng mga pagbabanta at pangongotong mula sa kanyang ex-boyfriend na ipapakalat ang video nito sa social media.

Inaresto si Belen nang tanggapin nito ang P5,000 marked money mula sa biktima.

Sa ulat, dating bilanggo ang suspek sa kasong illegal drugs.