Advertisers
KUMAMADA si Zach LaVine ng 32 points, habang si DeMar DeRozan nagdagdag ng 24 upang pamunuan ang Chicago Bulls na iwasiwas ang Indiana Pacers, 113-105, Lunes sa Chicago.
Nikola Vucevic umiskor ng 16 points, 15 rebounds para sa ikatlong dikit na tagumpay ng Bulls.
Caris Levert nagdagdag ng 27 points at Domantas Sabonis bumakas ng 14 points at 16 rebounds para sa ikatlong sunod-sunod na kabiguan ng Pacers.
Unang laro ni LaVine mula Dec. 11, Gayunpaman ay hindi siya nakapaglaro ng dalawang beses dahil ang Bulls ay may tatlong games na kinansela, dahil sa COVID-19.
Rookie Ayo Dosunmo, na bumalik mula sa health and safety protocols, ay umiskor ng six points sa loob ng 24 minutong aksyon.
Ang Chicago ay naglaro na wala ang starter Lonzo Ball at reserved Alfonzo McKinnie at Tony Bradley, na pumasok sa health and safety protocols Linggo.
Hindi rin nakapaglaro ang leading scorer ng Pacers na si Malcolm Brogdon ( Achilles) at Jeremy Lamb (Wrist).
Makakaharap ng Pacers ang Charlotte Hornets sa Miyerkoles.