Advertisers
HANDA nang sumabak sa ruweda ng mixed martial arts sa pang- mundial na eksena ang mga pambatong MMA combatants ng bansa sa pagsambulat ng ’22 Mixed Martial Arts World Championship sa Abu Dhabi sa susunod na buwan ng susunod na taon .
Ayon kay Philippine Mixed Martial Arts Federation ( PMMAF) top brass Alvin Aguilar, ang naturang pagsabak ay bahagi na ng komprehensibong programa ng PMMAF upang palakasin pa ang larangan sa Pilipinas kung saan ang mga Pilipino ay potensyal na mamayagpag sa kanilang pagiging international caliber sa larong MMA.
“ Our cream of the crop in PMMAF are raring to go and bring home the bacon. Matagal nilang pinaghandaan ito kaya ..bakbakan na para sa bayan!”, wika ni Aguilar na pangulo rin ng Wrestling Federation of the Philippines, URCC MMA founder at international jiujitsu medalist.
Ang Abu Dhabi – bound PH best bets ay sa pangunguna ni PMMAF chief Aguilar, Prof. Richard Lasprilla kaagapay si coach Alvin Ramirez Tunay na all systems go na sa prestihiyosong Mixed Martial Arts World Championship kung saan ang mga pambatong Pinoy MMA’ers ay binubuo nina Gabriel del Rosario, Lucas Aguilar, Joko Silverio, Andrea Kay Ocampo , Lucho Aguilar, Rad Cabodil, Joaquin Marte at Cristina Duran sa sagupaang may basbas ng IMMAF na lalarga sa Enero 24, 2022 .(Danny Simon)