Advertisers

Advertisers

Top mayorable sa Maynila umalma sa ‘baklas boys’ ng City hall laban sa kanyang tarps

0 606

Advertisers

MARIING kinondena ni Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez at ng kanyang running-mate na si Raymond Bagatsing ang walang habas na pagbabaklas ng mga “informative poster” na kinabit ng kanilang mga taga-suporta nitong Disyembre. Ang itinuturong may kagagawan ay mga tauhan ng Departamento ng Pampublikong Serbisyo (DPS) ng Manila City Hall.

“Pinagdidiskitahan ng City Hall ang mga posters na kinabit ng aming mga supporter. Pero ang mga poster ng kumakandidato mula sa partido Asenso Manileño ay kasalukuyan pading makikita sa bawat kalsada ng Maynila. Maliwanag na hindi kayang lumaban ng patas ng mga kandidato ng City Hall,” pahayag ni Lopez.

Ang naturang poster na binaklas ay naglalaman ng panawagang “Makataong Pagbabago”at larawan at pangalan nina Lopez, Bagatsing, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte



Aktwal na nahuli at nakunan ng larawan na binabaklas ng mga tauhan ng DPS ang mga ipinaskil nilang informative poster sa mga kalsada ng Maynila.