Advertisers

Advertisers

Bangka tumaob sa laot: 11 mangingisda na-rescue

0 432

Advertisers

Nasa 11 mga mangingisda mula sa lalawigan ng Albay at Camarines Norte, ang na rescue sa bayan ng Pandan, Catanduanes nang maaksidente sa gitna ng laot nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Catanduanes Police Provincial Office, na rescue ng mga personahe ng Philippine Coast Guard, MDRRMO at LGU-Pandan sa Sitio Carbao Brgy. Oga ang mga mangingisdang kinilalang sina Helbert Rodriguez, 38 anyos; Raniel Apolinario, 36 anyos, kapwa residente ng Mercedes, Camarines Norte; Dennis Apolinario, 45 anyos; Jeric Balcena, 21 anyos; Junyses Daval, 32 anyos; Orlando Rosas, 31 anyos; Domingo Tumiqui, 50 anyos; Paul Allen Ecleo, 22 anyos; Christopher Yumol, 41 anyos; Dennis Padilla y Vicente, 26 anyos; at John Ruel Banzuela, 26 anyos, pawang mga mangingisda at residente ng Bacacay, Albay.

Batay sa salaysay ng mga biktima, tumaob ang kanilang sinasakyang bankang de motor dahil sa malalakas na hangin at malalaking alon na humampas at sumira dito.



Mahigit isang oras umanong lumangoy ang mga mangingisda bago natunton ang naturang lugar kung saan na sila na rescue ng mga rumespondeng otoridad.

Pawang nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima kaya’t agad ang mga itong isinugod sa ospital upang mabigyan ng karampatang lunas.

Sa ngayon, gumagawa na ng hakbang ang LGU upang maibalik ang mga ito sakani-kanilang pamilya.

Paalala ng pamunuan ng Pandan MPS sa mga mangingisda, manatiling nakatutok sa lagay ng panahon bago maglayag at siguruhin ang kondisyon ng sasakyan at ng kanilang kagamitan para maiwasan ang ganitong insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">